GMA Logo Vice Ganda,Ogie Alcasid,teddy corpuz
Photo by: itsShowtimena (FB)
What's on TV

'It's Showtime' hosts, naging drag queens

By Kristine Kang
Published December 5, 2025 3:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda,Ogie Alcasid,teddy corpuz


Rumampa sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at iba pang host sa drag stage!

Very slay and it's giving superstar vibes ang hatid ng It's Showtime ngayong Biyernes (December 5).

Bilang parte ng kanilang 16th anniversary, isang DRAGpasikat special ang sumalubong sa madlang people.

Kasama ang ilang kilalang drag superstars, bongga ang naging opening number ng hosts.

Una munang naki-party ang very slay queen na si Chona Agachona, a.k.a Ogie Alcasid!

Dumagdag pa ang awra levels nang nagpakitang gilas sa "Abracadabra" dance craze si Grande Ilongga, walang iba kundi si Teddy Corpuz.

Nasundan naman ito ng K-pop feels ng nag-iisang Showtime Eonnie Batungbakal, Ryan Bang.

Impressive na "My Heart Will Go On" song number ang handog naman ni Erica Eureka (Jugs Jugueta) at "Material Girl" dance performance ni Glutanya Lopez (Vhong Navarro).

Sa huli, pasabog na sayawan ang ipinakita ni Matamorphosis (Jhong Hilario) at unkabogable stage number sa nag-iisang Fanotra Phenomena (Vice Ganda)!

Pagkatapos ng kanilang performance, hindi mapigilang sumaludo ang It's Showtime host sa dedikasyon ng drag superstars.

"Alam mo, na-appreciate ko na dati 'yung mga queens. Pero mas lalo ko silang na-appreciate 'yung artistry (at) creativity nila," ani Jhong. "Sabi ko sa kanila kanina habang nagre-rehearse, 'Ang hirap ng ginagawa n'yo.' Para ma-achieve 'yung pagpasaya ng mga tao (at) passion nila, grabe 'yung preparations kaya bow kami. Sobra, sobra appreciate. Mabuhay kayo!"

Dagdag din ni Vhong ang kanyang saludo sa pasensya ng drag performers.

"Bukod sa talented kayo, grabe 'yung dedikasyon sa oras niyo. Kasi na-experience namin 'yun na ang aga namin dito, nag-ayos kami, tapos para ipakita 'yung talento namin sa madlang people. Salamat kasi nag-i-inspire kayo ng ibang tao."

Labis din ang saya at pasasalamat ni Vice sa lahat ng kanyang co-hosts na sinubukan ang drag experience para sa madlang people.

"'Yung aim nila dito why they chose to do this today, e hindi para i-mock at gawing katatawanan 'yung ginagawa ng drag artists sa buong mundo, lalong lalo na dito sa Pilipinas. Kundi para i-acknowledge at i-recognize 'yung art form ninyo, form of expression," sabi ng Unkabogable Star.

"Drag is not just for entertainment; it has a bigger purpose. Drag is a form of protest. Ito ang pamamraan nila ng pagpoprotesta laban sa pang-aabuso at disrkiminasyon na dinadanas ng napaka maraming miyembro ng LGBTQIA+ community. Kaya maraming maraming salamat sa pag acknowledge n'yo, pagkilala, pagsaludo sa husay, galing, at lahat ng binubuhos nila para gawin itong mga bagay na ito."

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Samantala, balikan ang 'DANCE'pasikat celebration ng 'It's Showtime' hosts at iconic dance groups, dito: