GMA Logo Its Showtime hosts
SOURCE: Nice Print
What's on TV

'It's Showtime' hosts, nagpakitang gilas ng English skills sa GMA Gala 2024

By Hazel Jane Cruz
Published July 21, 2024 5:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Carla Abellana, ikinasal na sa kaniyang non-showbiz partner
Purple Hearts Foundation brings joy via year-end gift-giving outreach
Davao police say boy’s injury not caused by firecrackers

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime hosts


Always on the go ang humor ng 'It's Showtime' family.

Muling nag-share ng kakulitan at good vibes ang It's Showtime family sa nagdaang GMA Gala 2024 nitong Sabado, July 20, na talagang kinagiliwan ng mga netizens.

Isang netizen ang nag-share ng clip sa X mula sa interview ng mga hosts sa GMA Gala 2024 red carpet kasama ang Kapuso anchor at personality na si Martin Javier.

Hirit nito, “'Yung [It's] Showtime humor, dinala na naman sa [GMA Gala].”

Makikita sa nasabing clip ang heartwarming na welcome ni Martin sa It's Showtime family. Kasabay nito ang kaniyang pangungumusta sa pagiging parte ng GMA Network.

“Last year, they were here, pero [nasa] GTV pa ang [It's Showtime],” saad ni Martin, “this is the first time that you guys are joining us as part of GMA [...], how was the experience so far?”

Game namang sumagot si Jhong Hilario sa tanong at sinabing “napaka-organized” ng GMA Gala 2024, ngunit bago pa nito matapos ang kaniyang sasabihin ay binulungan na ito ng kaniyang co-host na si Vice Ganda na dapat sumagot ito in English.

“[It's] so, so organized, you know? And, uh, we feel so-- the warmth that you shared with us… Thank you!” natatawang sagot ni Jhong.

Hindi rin pinalampas ni Vice ang kanilang co-host na si Vhong na sagutin ang tanong ni Martin.

“Thank you for the wonderful question,” saad ni Vhong kay Martin, “I'll just copy-paste [Jhong's answer].”

Sa parehong interview, sinagot naman ni Vice Ganda ang palaging pinagpapasalamat ng It's Showtime family.

“Every day [ay] punong-puno kami ng pasasalamat,” ani Vice, “[Iyong] araw-araw na nakakaere kami, kailangang ipagpasalamat 'yun matapos ang mga naranasan naming panahon ng walang kasiguraduhan -- kung makakaere pa, saan eere, sinong eerehan, [at] may manonood pa ba?”

Dagdag nito, “Araw-araw nakakakuha kami ng sagot sa mga tanong na 'yun kaya every day, we are so grateful. We thank God and we thank everyone na tinutulungan kami at inaalalayan kami sa muling pagbangon namin.”

Kabilang sa mga It's Showtime hosts na dumalo sa nagdaang GMA Gala 2024 ay sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Ryan Bang, Darren Espanto, at Cianne Dominguez.

RELATED GALLERY: THE SPARKLING RED-CARPET LOOKS OF THE BIGGEST STARS