
Nakisaya sina Kapuso star Ashley Ortega at Kapamilya artist AC Bonifacio sa noontime variety show na It's Showtime ngayong Miyerkules (April 2).
Tampok ang dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates sa “Sine Mo To” segment ng programa kung saan nakakulitan nila ang hosts sa istoryang “Wag Kang PaBebe: The Big Co-Love.”
Dito ay ipinakilala sina Ashley at AC bilang ang mga bisita sa “PaBebe House” habang ni-reenact ng dalawa ang kanilang pose sa nag-trending na meme nang sila ay na-evict sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
Ginaya rin ng It's Showtime hosts ang viral meme nina Ashley at AC sa iba't ibang bersyon.
Bukod dito, sumalang din sina Ashley at AC sa "Gagambattle" at nagwagi rito ang Kapuso star matapos mahulog ang huli nang dalawang beses.
Matatandaan na sina Ashley Ortega at AC Bonifacio ang duo na unang na-evict sa Bahay ni Kuya sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition matapos makuha ang pinakamababang boto na 17.25 percent.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, KILALANIN ANG IBA PANG KAPUSO AT KAPAMILYA HOUSEMATES NG PINOY BIG BROTHER CELEBRITY COLLAB EDITION SA GALLERY NA ITO.