GMA Logo Eman Bacosa Pacquiao, Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, Vhong Navarro
PHOTO COURTESY: It's Showtime
What's on TV

It's Showtime hosts shows support for Eman Bacosa Pacquiao on his acting career

By Kristine Kang
Published March 26, 2026 3:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

10,000 cops to secure Region 7 for Holy Week
Lalaki, napahagulgol sa kanyang nakita sa kanilang salas | GMA Integrated Newsfeed
The Mister Pilipinas Worldwide delegates are handsome in their fashion shoot

Article Inside Page


Showbiz News

Eman Bacosa Pacquiao, Jhong Hilario, Jackie Gonzaga, Vhong Navarro


Inihayag ng 'It's Showtime' hosts ang kanilang full support para kay Eman Bacosa Pacquiao ngayong pinasok na rin nito ang pag-arte o acting.

Nakisaya ang Sparkle artist na si Eman Bacosa Pacquiao nang bumisita siya sa noontime variety show na It's Showtime kamakailan.

Sumalang ang 21-year-old boxer sa segment na "Laro Laro Pick" ng naturang programa, kung saan nakasama niya maglaro ang Madlang Players na mula sa San Jose, Navotas.

Bago nagsimula ang laro, nakakulitan muna ng hosts ang Sparkle star at ipinakita pa nito ang kanyang dance moves nang sayawin ang "Choopeta." Bukod dito, kinamusta rin ng hosts si Eman tungkol sa experience nito sa acting.

"Masaya po at saka, nakakakaba po," pagbahahagi niya.

Matapos ito, tinanong ni Vhong Navarro si Eman kung mahirap ba ang pag-arte at sagot ng huli, "Meron ding madali minsan, meron ding pong mahirap pero masaya rin po."

Inihayag ng It's Showtime hosts ang kanilang full support para kay Eman ngayong pinasok na rin nito ang mundo ng acting. Ani Jhong, "Good luck sa'yo, good luck sa iyong acting career. Kayang-kaya mo 'yan. Kinaya mo nga ang boxing e, acting pa. Kayang-kaya 'yan."

Dagdag ni Jackie Gonzaga, "Congrats, Eman."

Mapapanood si Eman Bacosa Pacquiao sa GMA Prime action-drama series na Never Say Die, na kanyang unang acting project.

Panoorin ang pagbisita ni Eman Bacosa Pacquiao sa It's Showtime sa video na ito.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: Eman Bacosa Pacquiao is now a Sparkle artist