
Naghatid ng good vibes ang It's Showtime kid na si Argus sa netizens kamakailan dahil sa kanyang recent post sa social media.
Makikita sa Facebook page ni Argus ang kanyang larawan kung saan nag-pose ito katabi ang isang puting sasakyan at may hawak na toy gun.
Nagpasalamat ang celebrity kid sa kanyang magulang dahil sa kanilang graduation gift para sa kanya. “Thank you mommy and daddy sa graduation gift [n'yo] po sa akin sobra saya ko magkaroon ulit ng [ganito],” sulat niya sa caption.
Dagdag pa niya, “Salamat mommy sa xshot na toygun.”
Bukod dito, ibinahagi rin ni Argus ang mga larawan niya mula sa kanyang kindergarten moving up ceremony kamakailan.
"moving up 2024," wika niya sa post.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
SAMANTALA, TINGNAN ANG CELEBRITY GRADUATION PHOTOS SA GALLERY NA ITO.