GMA Logo Its Showtime hosts
What's on TV

'It's Showtime,' malapit nang magdiwang ng 15th anniversary

By Kristine Kang
Published July 20, 2024 6:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime hosts


Madlang Kapuso, 15 weeks na lang at anibersaryo na ng 'It's Showtime'!

Tayo'y tumalon at sumigaw sa tuwa dahil 15 weeks na lang at ipagdiriwang na ang 15th anniversary ng FUNanghalian noontime program na It's Showtime.

Nitong Sabado (July 20), masayang inanunsyo ng mga host ang palapit na selebrasyon. Tila raw hindi sila makapaniwala sa tagal na ng kanilang programa.

Labis din ang pasasalamat ng It's Showtime sa patuloy na suporta at pagmamahal ng madlang people sa kanila.

"Through ups and downs, kasama natin ang madlang people. Hindi nila tayo iniwan," masayang sinabi ni Kim Chiu.

"Kumbaga, nag-iba-iba tayo ng lugar o istasyon. Pero ang madlang people patuloy na kumapit sa atin," dagdag ni Vhong Navarro.

Kasabay ng anibersaryo, inanunsyo rin ng mga host na magbabalik na ang kanilang bigatin at pinakahinihintay na kompetisyon, ang "Magpasikat."

Mas magiging espesyal ang segment ngayong taon dahil sa 15th anniversary ng programa.

"Parang nakakakaba 'yung 'Magpasikat' this year kasi syempre 15 years dapat bongga, pasabog," sabi ni Kim.

Excited na rin ang Asia's Pop Heartthrob Darren Espanto dahil first time niya opisyal sumali sa kompetisyon.

"Dati naging guest na ako sa mga dating 'Magpasikat,' ta's naging hurado, ta's ngayon parte na ako mismo ng 'Magpasikat.' So exciting!" masayang sinabi ni Darren.

Napansin naman ng mga host ang pagiging kalmado nina MC at Lassy.

"Kami kasi, handang-handa na sa 'Magpasikat.' Kung ano man dumating, kung sino ang kakampi. Handa na kami," sabi ni MC.

Pabiro naman sinabi ni Lassy, "Kami ang bahala basta ang kakampi namin maraming sponsors. Okay na kami."

Sa nakaraang anniversary, nanalo ang team nina Kim Chiu, Ion Perez, at Jhong Hilario.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Samantala, balikan ang engrandeng debut ng It's Showtime sa GMA sa gallery na ito: