GMA Logo Vice Ganda, Jameelah, Jhong Hilario, Vhong Navarro
Photo by: itsShowtimeNa (X)
What's on TV

'It's Showtime,' may malaking sorpresa sa kanilang 16th anniversary

By Kristine Kang
Published November 29, 2025 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Basketball Tournament - December 5, 2025 | NCAA Season 101
#WilmaPH maintains strength east of Borongan City, E. Samar
Cloud Dancer is Pantone's 2025 Color of the Year

Article Inside Page


Showbiz News

Vice Ganda, Jameelah, Jhong Hilario, Vhong Navarro


Double celebration at surprises ang naghihintay ngayong Lunes!

Dalawang tulog na lang at darating na ang pinakahihintay na 16th anniversary ng fun noontime program na It's Showtime!

Nitong Sabado (November 29), hindi mapigilang ma-excite ang It's Showtime family sa mga dapat abangan ng madlang people.

Gaya sa kanilang kuwento noon, mas meaningful at memorable ang magiging selebrasyon ngayong taon. Malliban sa mga dapat abangan na performances, puno rin ng saya at kuwento ang anniversary special.

"Para sa aming 16th anniversary, gusto namin malaman ang kuwentong Showtime n'yo," ani Ryan Bang.

Maaaring ikomento ng madlang people ang kanilang mga kuwentong Showtime sa comment section ng official post ng programa.

Samantala, may naghihintay na isa pang sorpresa para sa madlang people ngayong Lunes! Puno muli ng malalaking blessings ang handog ng fun segment na "Laro, Laro, Pick!"

"Sa Lunes, simula na ang ating 16th anniversary celebration," tease ni Vice Ganda.

"Para mas maging merry ang Pasko ng madlang people, ang jackpot prize na paglalabanan ng ating players ay hindi na PhP300,000. Sa first day ng ating 16th anniversary, ang pot money natin sa Lunes ay 1 million pesos!"

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Habang naghihintay, balikan ang 15th anniversary celebration ng It's Showtime sa gallery na ito: