GMA Logo Its Showtime and Gloria Romero
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's on TV

'It's Showtime' pays tribute to late veteran actress Gloria Romero

By Dianne Mariano
Published January 27, 2025 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Suansing urges Senate to resume bicam on 2026 budget as soon as possible
PBBM vows completion of San Juanico Bridge rehab by 2026

Article Inside Page


Showbiz News

Its Showtime and Gloria Romero


Nakikiramay ang 'It's Showtime' family sa pagpanaw ng Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Inalala ng It's Showtime family ang tinaguriang Queen of Philippine Cinema na si Gloria Romero.

Matatandaan na pumanaw ang beteranang aktres noong Sabado, January 25, sa edad na 91. Ito ay kinumpirma ng anak ni Gloria na si Maritess Gutierrez.

Sa episode ng noontime variety show ngayong Lunes (January 27), nakiramay ang It's Showtime family sa pagpanaw ng batikang aktres. Sa pangunguna ng host na si Amy Perez, nagkaroon ng munting sandali ng katahimikan sa studio para alalahanin ang yumaong aktres.

“Enero 25 po, araw ng Sabado, namaalam po ang isa sa mga haligi ng pelikulang Pilipino. Ang Queen of Philippine Cinema, ang aking pong naging ina sa telebisyon sa loob ng mahigit na isang dekada na si Ms. Gloria Romero. Yumao po siya sa edad na 91. Hindi matatawaran ang kanyang napakalaking kontribusyon sa paglikha ng mga dekalibreng obra, mapa-telebisyon o pelikula sa kanyang naging karera, na humigit sa pitong dekada.

“Labis po ang pagluluksa ng industriya sa kanyang pagkawala at gayunman, ang kanyang legasiya po ay mananatili sa puso't isip ng kanyang mga nakatrabaho, nakasama, naging mga kaibigan, at pamilya. Nakikiramay po ang It's Showtime sa kanyang mga naulila. Hinihiling namin ang panandaliang katahimikan para gunitain ang kanyang alaala,” aniya.

Samantala, sa Instagram post ni Amy ay ibinahagi niya ang video kasama si Gloria at pinasalamatan ang huli sa lahat at sinabing mami-miss niya ito.

“Mommy, I will miss you. Thank you for everything. Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ. Love you forever,” sulat niya.

Isang post na ibinahagi ni AMY PEREZ (@amypcastillo)

Nakatrabaho ni Amy si Gloria Romero sa long-running sitcom na Palibhasa Lalake.

Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.


BALIKAN ANG MOST MEMORABLE KAPUSO SHOWS NI GLORIA ROMERO SA GALLERY NA ITO.