
Magsasanib-pwersa na ang Kapuso at Kapamilya sa pagbibigay ng saya, inspirasyon, at entertainment dahil mapapanood na ang It's Showtime sa GMA bukas (April 6).
“G na G na silang maghatid ng SAYA at GOOD VIBES sa Madlang Kapuso!
#ShowtimeSaGMA, BUKAS na!” sulat sa Facebook post ng GMA Network.
Doble ang saya sa darating na Sabado dahil sa birthday celebration ng Asia's Unkabogable Phenomenal Superstar na si Vice Ganda.
Noong Marso, matatandaan na naganap ang “It's Showtime sa GMA: The Contract Signing,” kung saan present dito ang executives ng Kapuso at Kapamilya networks, pati ang hosts ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Teddy Corpuz, Jugs Jugueta, Karylle, Ryan Bang, Kim Chiu, Ogie Alcasid, Amy Perez, Ion Perez, MC, Lassy, Darren Espanto, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.
Abangan ang It's Showtime bukas, 11:30 a.m., sa GMA at GTV.
BALIKAN ANG MGA NAGING KAGANAPAN SA CONTRACT SIGNING NG GMA NETWORK AT ABS-CBN SA GALLERY NA ITO.