GMA Logo MTRCB and It's Showtime
PHOTO COURTESY: GMA Integrated News
What's on TV

'It's Showtime' to submit motion for reconsideration amid 12 airing days suspension by MTRCB

By Dianne Mariano
Published September 5, 2023 12:52 PM PHT

Around GMA

Around GMA

OCD urges extra precautions in Albay amid storm Ada and Mayon unrest
Vendors in Aklan fall victims to fake P1,000 bills
Nadine Samonte finds joy in collecting of designer figure

Article Inside Page


Showbiz News

MTRCB and It's Showtime


Binigyan ng MTRCB ng 15 na araw ang 'It's Showtime' para magsumite ng motion for reconsideration sa kanilang suspension.

Pinatawan ng suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang programang It's Showtime.


Related content: 'It's Showtime' at GTV, pumirma na ng kasunduan


Base sa ulat ni Nelson Canlas sa 24 Oras, tatagal ang suspension ng noontime show ng 12 airing days. Ito ay dahil sa mga reklamong natanggap ng MTRCB tungkol sa episode ng It's Showtime noong July 25, kung saan nagpakita ng indecent manner o malaswa umano ang ikinilos ng hosts sa “Isip Bata” segment ng programa.

“Viewers have lodged multiple complaints before the MTRCB concerning the show's 25 July 2023 episode wherein the program's hosts allegedly acted in an indecent manner during one of its segments, 'Isip Bata,'” bahagi ng pahayag ng MTRCB.

Dagdag pa ng ahensya, sinunod ang procedural process nang i-refer ang kaso sa kanilang Hearing and Adjudication Committee, na duminig sa kaso at nagpasumite sa respondents ng position paper.

Base pa sa opisyal na pahayag ng MTRCB, nakatanggap sila ng mga reklamo ngayong taon tungkol sa It's Showtime na kanilang nagawan ng aksyon at naisyuhan ang nasabing programa ng dalawang warning kamakailan.

Mayroong 15 na araw ang It's Showtime para maghain ng motion for reconsideration sa kanilang suspension. Maaari pang umapela ang programa sa Office of the President kung sasalungatin ng MTRCB ang kanilang motion for reconsideration.

Narito ang buong pahayag ng MTRCB tungkol sa suspension ng It's Showtime.

Sa isang official statement, kinumpirma ng Kapamilya Network na natanggap nila ang ruling ng MTRCB at magsusumite ng motion for reconsideration dahil naniniwala sila na walang nilabag na batas ang kanilang show.

Patuloy rin daw silang makikipag-ugnayan sa MTRCB para patuloy na makapaghatid ng saya sa viewers ang kanilang programa.

Ito ang opisyal na pahayag ng ABS-CBN tungkol sa 12 airing days suspension ng It's Showtime.


Panoorin ang buong “Chika Minute” report sa video na ito.