
Iba't ibang programa at personalidad ang kinilala sa 37th PMPC Star Awards for Television kamakailan.
Kabilang na rito ay ang noontime program na It's Showtime na nagwagi bilang Best Variety Show, habang ang aktres at isa sa hosts ng show na si Kim Chiu ay kinilala bilang Best Female TV Host.
Bukod dito, nagwagi naman ang Unkabogable Star na si Vice Ganda bilang Best Actor sa 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) para sa kanyang pelikula na And The Breadwinner Is.
Sa kanyang Instagram post, labis ang pasasalamat ng actor-host sa bagong milestone na kanyang nakamit.
"Thank you G! You make me win, win, win, no matter what!" sulat niya sa caption.
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.
SAMANTALA, TINGNAN ANG STYLISH LOOKS NG IT'S SHOWTIME HOSTS SA NAGANAP NA GMA GALA 2025 SA GALLERY NA ITO.