Article Inside Page
Showbiz News
Nagpapaalam na ang
Una Kang Naging Akin sa kanilang mga loyal viewers. And the show plans to leave with a big bang.
After a successful run sa Dramarama block ng GMA, nagpapaalam na ang 'Una Kang Naging Akin' sa kanilang mga loyal viewers with a loud bang. Sasaksihan ang huling dalawang araw ng teleserye, as Vanessa takes her revenge against Jessa. Magtagumpay kaya si Vanessa sa pagbawi sa mga taong nawala sa kanya? Text by Loretta G. Ramirez, Photos by Mitch S. Mauricio
Ang kwento ng buhay ni Nick at Jessa ay sinubaybayan ng maraming Kapuso viewers. Maraming pinaiyak at pinahanga ang mga stars ng
Una Kang Naging Akin na pinangungunahan nina
Maxene Magalona, Wendell Ramos at
Angelika dela Cruz.

Sa pagtatapos ng tenth Sine Novela ng GMA, patuloy tayong pinananabik ng mga pangyayari sa story as Vanessa played by the expectant mom Angelika dela Cruz. Still effective in her kontrabida scenes though medyo halata na ang baby bump ni Angelika, she still manages to do her fight scenes convincingly.
"Kaya nga pinaspasan ang trabaho ko sa
Una Kang Naging Akin, kasi 'yung role naman ni Dawn Zuleta sa original movie na siyang nma-assign sa akin, hindi naman nabuntis 'di ba? Alangan baguhin ang takbo ng istorya dahil lang sa nabuntis ako," ayon sa very beautiful na mommy.
"Feeling ko, para akong manananggal sa mga eksena ko!" ang pagbibiro ni Angelika. "Iniiwas lagi ng camera sa tiyan ko ang shots, kung tipong mahahalata. Pero talagang ganoon. Hindi naman ako pupuwedeng mag-stop sa pagte-taping dahil wala namang kasalanan ang network sa pagbubuntis ko. Commitment ko pa rin ito sa GMA-7, kahit ano pa ang mangyari."
In the meantime, tuwang tuwa naman si Maxene dahil sa very successful run ng kanyang first ever mature role. Dito niya napatunayan na she is ready to tackle more mature characters sa mga susunod pa niyang project.
"Sa mga fans ng
Una Kang Naging Akin, thank you so much sa lahat ng support na lagi kaming number one sa afternoon. Ang taas ng rating namin so talagang thankful kami, patuloy na gumaganda 'yung story so sana wag kayong bibitaw ngayong patapos na 'yung show. Thank you lang talaga sa support," ang masayang pagtatapos ng dalaga.
Wag palalampasin ang finale ng Sine Novela Presents
Una Kang Naging Akin, weekdays pagkatapos ng
Eat Bulaga.