GMA Logo ivana alawi
Celebrity Life

Ivana Alawi, ayaw nang magka-jowa mula sa showbiz: 'Ginagawa akong sugar mama'

By Nherz Almo
Published March 10, 2025 12:51 PM PHT
Updated March 10, 2025 4:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

New economic zones to lure P3-B in investments — Recto
Content creator Arshie Larga reveals his biggest investment in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City

Article Inside Page


Showbiz News

ivana alawi


Ivana Alawi: “Okay naman ako na split the bill pero huwag naman todo-todo na ako ang lahat.”

Ekis na raw talaga kay Ivana Alawi ang magkaroon ng boyfriend mula sa showbiz.

Ito ang pauli-ulit niyang sinabi sa panayam ng entertainment media sa inihanda niyang thanksgiving party noong Biyernes, March 7, sa Vinta Modern Carideria, Quezon City.

“Non-showbiz!” diin pa ni Ivana nang tanungin kung ano'ng gusto niya sa susunod niyang maging boyfriend.

Katuwiran niya, “Hindi talaga ako mahilig sa showbiz. Kapag [galing] showbiz, hindi talaga kami magwo-work. Nakailang date na ako ng showbiz, ginagawa akong 'mama,' sugar mama. Ako, okay naman ako na split the bill pero huwag naman todo-todo na ako ang lahat. May nagre-request ng ano…"

Kahit anong pangungulit ng reporters, tumanggi si Ivana na pangalanan kung sinong showbiz personality ang kanyang tinutukoy.

Hindi rin daw kaya ni Ivana na makita ang kanyang boyfriend na may ka-kissing scene na ibang babae.

Paliwanag niya, “Hindi ko rin talaga gusto ng showbiz kasi nga nakikipaglaplapan sa iba. Pero ako puwede, 'di ba? Ha-ha. Kung pipili siya ng showbiz at kaya niya… Kasi ako, I have kissing scenes, bed scene, dapat ready siya. Ako, hindi ako ready sa ganyan kaya non-showbiz.”

Bukod sa non-showbiz, ayaw din daw ni Ivana ng kaedad o mas bata sa kaniya.

“Hindi ako mahilig sa bata, mas gusto ko nang mas mature kasi matured na tayo mag-isip,” sabi ng actress.

Dagdag pa niya, “Hindi mayabang at saka may puso. Same heart, gustong tumulong. Ang hirap na pareho kami 'tapos magkaiba ang ugali namin, ayaw niya tumulong or wala siyang puso para sa mga kababayan natin.”

Paano kung sabihan siyang iwan na ang kanyang showbiz career?

Agad na sagot ni Ivana, “Ay, iwan ko muna siya. Mauuna muna ang showbiz bago siya. Trabaho muna talaga.”

Related gallery: Celebrities and their non-showbiz partners

Sa ngayon, tila wala talaga sa priority ni Ivana ang love life.

Sabi niya sa press, “Wala nga akong time, e. 'Yun nga ang problema ko. Wala nga akong time sa sarili ko. Kahit sa family ko, minsan hindi kami nagkakasabay kumain.”

Gayunman, ani Ivana, “Hindi naman ako hirap [magka-love life]. Siguro, wala lang talaga akong time, pero I'm dating so I'm okay. “

Samantala, abangan si Ivana sa kauumpisa pa lamang na Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition, kung saan papasok siya bilang guest housemate.

Kilalanin ang mga Kapuso at Kapamilya stars na pumasok sa Bahay ni Kuya: