
Aminado si Ivana Alawi na maraming pulitiko ang lumalapit para magpaendorso, ngunit hindi niya raw ito basta-basta tinatanggap.
“Pero napakaarte ko at napaka-choosy ko pagdating sa pulitiko,” sabi ni Ivana sa thanksgiving party na inorganisa niya para sa entertainment media kaninang tanghali, March 7, sa Vinta Modern Cantina, sa Quezon City.
Katuwiran pa niya, “Hindi naman 'yan para sa akin o ikakaganda ko o para sa pamilya ko. Ito ay para sa Pilipinas, para sa mga kababayan natin. Ano' yung makakapagpaganda sa bansa natin.
“Kasi, kung pera, e 'di sana lahat kinuha ko, e, 'di ang yaman-yaman ko na. Hindi, e, hindi siya sa pera. It's what do you believe in and who do you think will make the country a better place.”
Pag-uulit pa niya, “Sa mga senator, congressman, napaka-choosy ko kasi baka gusto lang niya umupo para sa sarili niya hindi naman para sa ating mga kababayan.
“Ako, wala naman akong alam sa pulitika, pero alam ko kung papaano mamili ng tamang lider. Siyempre, pinag-aaralan ko rin kung anong mga batas ang natutupad, very important yun.”
Matatandaan na noong nakaraang taon, maraming nagtanong kay Ivana kung tatakbo siya sa eleksyon ngayong 2025.
Ang sagot niya, “Bakit naman ako tatakbo sa ngayon? Wala ako alam sa politics, wala ako alam sa paggawa ng batas. And siguro kung papasok man ako sa ganiyan, dapat mag-aral man lang ako ng three to four years, because I don't want to put our country at risk.”
Ganito pa rin ang paniniwala ng actress-content creator nang biruin siya ng press kung may plano siyang pasukin ang pulitika dahil sa hilig niyang magbigay ng tulong.
Paliwanag niya, “Ano naman, alam ko kapag Pilipinas ang ilalaban, hindi naman content creation lang.
“Actually, ang daming nagsasabi na, 'Tumakbo ka, tumakbo ka, ang dami mong pinamimigay.' Hindi naman ako namimigay para tumakbo at hindi mo rin kailangan tumakbo para makapagbigay.”
Diin pa niya sa huli, “Ang pagtakbo talaga is for the country. 'Yung may mga magaganda kang gagawing batas para mapaganda ang bansa natin. Kailangan natin lumaban at lumevel up, 'no? So 'yun, hindi talaga ako tatakbo kasi wala naman akong alam diyan.”
Samantala, tingnan ang life-threatening condition na pinagdaanan ni Ivana rito: