
Ngayon nalalapit na ang Chinese New Year, marami na ang naghahanap ng mga paraan para suwertehin ngayong taon sa pamamagitan ng Feng Shui. Ilan na nga diyan ay ang aktres vlogger na si Ivana Alawi, at ang businesswoman at vlogger na si Small Laude.
Sa recent episode sa vlog ni Ivana, isinama niya si Small sa Binondo, Manila para humingi ng advise sa Feng Shui expert na si Coach Johnson Chua ng mga pwede nilang gawin para swertehin.
Isa sa mga kinailangan nilang gawin ay ibigay ang kanilang birthdate at dito nalaman ni Ivana na bilang pinanganak sa year of the rat, ay hindi siya ganoon kaswerte. Pero sa tulong ng charms ay maaari daw gumanda ang kaniyang taon.
Kaya naman namili si Ivana ng charms, hindi lang para sa kaniya at regalo niya kay Small, kundi para na rin sa kaniyang staff.
Matapos magbayad, nag-abot si Coach Johnson ng isang maliit na bagay kay Ivana.
“Ay bongga! Ano 'to?” tanong ni Ivana.
Maging si Small, napatanong kung ano ang ibinigay kay Ivana.
Sagot ni Coach Johnson, “'Yan po 'yung sukli ng payment.”
Hindi tuloy napigilan ng dalawa na matawa. Sabi pa ni Small, “Akala namin, pangontra! 20 pesos pala!”
Pero ayon kay Small, tingin niya ay magiging swerte ang PhP 20 coin na iyon sa kanila.
Sa pagpapatuloy ng vlog, isa sa mga tanong ni Ivana kay Small ay kung ano ang tunay na sukatan ng businesswoman ng success.
Sagot ni Small, “'Pag kuntento ka sa life mo, 'yun ang success, happiness, and siyempre, you live comfortably, kaya ka kuntento. Your family is the most important.
RELATED CONTENT: Rich kid na, artistahin pa: Kilalanin si Small Laude at ang kanyang mga anak
RELATED CONTENT: Ivana Alawi fills her home with Italian luxury furniture