
Sa kauna-unahang pagkakataon, bumisita sa Fast Talk with Boy Abunda ang Volleyball superstars at couple na sina Ivy Lacsina at Deanna Wong.
Bukod sa kanilang pagiging sikat na volleyball athletes, nagkuwento rin sina Ivy at Deanna tungkol sa kanilang relasyon.
Ayon kay Ivy, hindi naging madali ang simula ng relasyon nila ni Deanna. Sa katunayan, tutol daw ang ina ni Ivy sa pag-iibigan nila.
Aniya, “Parang sa social media, parang ayaw po ni mama na nakakakita ng pictures namin together or kapag nagkakausap po sila ni mama makikita ko po talaga na ayaw niya po.”
Pero ipinaglaban daw ni Ivy si Deanna sa kaniyang magulang.
“Parang nakikita niya naman po na masaya ako and ipinaglalaban ko talaga siya [Deanna Wong],” nakangiting sinabi ni Ivy.
Sa “Fast Talk” segment, inilarawan ng dalawa ang isa't isa bilang “Everything.”
May sweet message naman si Deanna kay Ivy, “Winner ka dahil ikaw nanalo sa puso ko.”
Sagot naman ni Ivy, “Winner ka dahil mahal kita.”
Nagbigay din ng mensahe ang dalawa para sa mga aspiring professional volleyball player.
“Coming from my experience, kahit gustong-gusto mo na tumigil, 'wag kang susuko talaga. Ang iisipin mo 'yung long term, 'yung future. What you reap [is what] you sow 'di ba?” ani Deanna.
“Kailangan mo siya tanggapin na mag-fail ka nang mag-fail para mag-improve,” dagdag ni Ivy.
Tingnan ang iba pang inspiring celebrity LGBTQIA+ couples dito: