GMA Logo Iwa Moto and Pampi Lacson
Screenshot from Fast Talk with Boy Abunda
What's on TV

Iwa Moto at Pampi Lacson, planong magpakasal sa 2028

By Aimee Anoc
Published June 8, 2026 6:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

18 'ex-Marines' to tell all in Ombudsman probe, says Baligod
Klase sa preschool hangtod grade 6, gisuspenso I One Mindanao
Thai GL series to binge-watch this Pride Month

Article Inside Page


Showbiz News

Iwa Moto and Pampi Lacson


Matapos ang 14 taong pagiging partners ay engaged na sina Iwa Moto at Pampi Lacson. Pinaplano na rin nilang magpakasal sa 2028.

Pinaplanong magpakasal nina Iwa Moto at Panfilo "Pampi" Lacson Jr. sa taong 2028.

Sa pagbisita sa Fast Talk with Boy Abunda ngayong Lunes (June 8), ikinuwento ni Iwa ang engagement kay Pampi sa Japan noong February, matapos ang 14 taong pagiging partners.

Nang tanungin ni King of Talk Boy Abunda kung paano nila narating ang tagpong ito, sagot ni Iwa, "Patience. Haba ng pasensya ko."

"Actually, nu'ng nag-propose po siya Tito Boy, kaming dalawa lang po. Kasi ang nangyari po nu'n, I wanted to visit my dad's grave. Kasi my dad passed away a couple of years ago, and then it was his birthday. And I wanted to greet him personally, so we went to Japan. Tapos nasaktuhan, doon siya nag-propose sa Nara," kuwento ng dating aktres.

Ayon kay Iwa, nag-iipon pa sila sa ngayon ni Pampi para sa kanilang kasal.

"Right now, we are planning sa 2028 kasi sa kasamaang palad po hindi po ako Disney princess. Kailangan ko pong mag-ipon. Kailangan po naming mag-ipon pareho kasi syempre medyo mahal po ang pagpapakasal. We are really trying our best to work hard and earn para po makapagpakasal na kami."

Kung magaganap ba ito matapos ang eleksyon, sagot ni Iwa, "Actually po, after elections, mga August po kasi para hindi na rin po magulo. Tahimik na rin po."

Sa interview, binalikan din ni Iwa kung paano sila nagkakilala ni Pampi. Aniya, nag-meet sila noong 2012.

"Nu'ng nagkakilala kami, kakahiwalay lang namin pareho sa mga significant others. Both of us went [through annulment]. Ako kasi mabilis lang po 'yung sa akin. It took like two to three years po 'yung annulment ko. Actually, ang naging matagal po talaga was their annulment kasi ang nangyar, I think it's around 13 to 14 years, dekada rin po 'yung tinagal kaya natagalan din po 'yung pag-aantay naming lahat. Pero everything is okay naman po."

Kuwento ni Iwa, kalmado at tahimik na tao si Pampi. Sabi niya, "He's a very calm person. He's a very quiet person. Funny, quiet, 'yung hindi ie-expect ng tao kung sino siya."

Ayon kay Iwa, noong nagkakilala sila ni Pampi noong 2012 ay hindi na sila naghiwalay hanggang nagkaroon na sila ng anak noong 2013.

"Before po we've talked but never saw each other, tapos after one and a half year po na nagkakita kami ulit, that's the time na we reconnected,” saad pa niya.

"Nagligawan po muna tapos hanggang naging kami na po. Sandali lang ang ligawan, Tito Boy, nu'ng time na 'yon medyo matanda na naman ako, nasa tamang edad na ako."

RELATED GALLERY: Iwa Moto and Pampi Lacson take love to the next level in Japan