
Sa kabila ng pagiging dating asawa ni Pampi Lacson si Jodi Sta. Maria, maganda ang relasyon ng aktres sa current partner nito na si Iwa Moto.
“Nu'ng dumating ako sa buhay ni Pampi, wala na talaga sila. Kaya rin siguro hindi naging mahirap 'yung transition namin to becoming friends maybe because I'm not the reason why they broke up,” sabi ni Iwa sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Lunes, June 8.
Dagdag pa nito, lubos din ang pagmamahal niya sa anak nina Jodi at Pampi na si Thirdy, kaya hindi na sila nahirapan na maging magkaibigan.
“Nu'ng nakikita kong nahihirapan 'yung bata dahil 'yung magulang niya, kami, 'yung mga tumatayong nagbabantay sa kanya ay 'di nagkakasundo, siya 'yung naaapektuhan. So hanggang sa dumating sa point na unti-unti naging okay kami ni Jodi, ni Amor,” sabi ni Iwa.
Sabi ni Iwa, una sila naging magkaibigan ni Jodi noong 2015 ng gampanan nito ang role ni Amor Powers sa remake ng teleseryeng Pangako Sa 'Yo. Sabi ng dating aktres, umusbong mula doon ang kanilang pagkakaibigan hanggang sa puntong makokonsidera na niya ito bilang best friend.
TINGNAN ANG UNEXPECTED FRIENDSHIP NINA IWA AT JODI SA GALLERY NA ITO:
At ngayong nag-propose na nga si Pampi sa kanya, bridesmaid ni Iwa si Jodi sa kanyang kasal. "Actually po, nagbibiruan pa lang po kami dati. Nu'ng dati po, she was joking around nu'ng may picture kami ni Pampi na 'Ready na ang gown ko.' Sabi ko, ''Wag kang mag-alala, you'll be the one to first know.'”
Ani Iwa, masaya si Jodi nang una niyang malaman ang tungkol sa naturang proposal. Sa katunayan, pag-amin ng Midnight Girls star sa kanya, matagal na rin hinihintay ni Jodi na mangyari ito.
“Actually Pampi gave me a promise ring before na he would marry me after ng annulment nila ni Jodi. Tapos finally, ito na nga po, 'yun 'yung nag-propose na siya sa akin and when I told Jodi, parang sabi niya, 'Madam, kung alam mo lang kung gaano ako ka-happy kasi ang tagal nating inantay 'to,'” sabi ni Iwa.
Panoorin ang panayam kay Iwa dito: