Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, ipinakita sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes ang pagsasanay ni Iwa sa isang gym sa Ortigas para sa martial arts na Brazilian ‘Jujitsu.’
Kahit may nararamdaman sakit sa likod, game na nakipagbuno si Iwa sa kanyang trainer na si Eros Baluyot, 17-years-old na Jujitsu world champ.
Bilib daw si Eros sa ipinapakitang focus at determinasyon ng aktres sa naturang uri ng palakasan.
Pero bakit nga ba ito ang napiling isport ni Iwa?
“Para maiba naman kasi ang dami na…like everybody is doing boxing, kickboxing. At least ito something new at mas interesting siya kasi marami kang matututunan," paliwanag ni Iwa.
Inirekomenda niya ang naturang isport dahil bukod sa magandang ehersisyo ay matututo rin dito ng self-defense.
Ito rin daw ang sikreto niya kung bakit mas maganda ngayon ang kanyang katawan na nakita ng mga nanood sa nakaraang underwear fashion show. –FRJimenez, GMANews.TV
Pag-usapan si Iwa Moto sa mas pinagandang iGMA.tv Forum! Not yet a member? Register here!
Get updates ula kay Iwa thru his Fanatxt service! Just text IWA (space) ON and send to 4627 for all networks. For MMS wallpapers, text GOMMS (space) IWA (space) ON and send to 4627. Telco charges apply. This service is only available in the Philippines.