GMA Logo Iya Villania, Drew Arellano, Astro
Celebrity Life

Iya Villania and Drew Arellano celebrate son Astro's fourth birthday

By EJ Chua
Published June 6, 2026 4:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE UPDATES: Alex Eala vs Rebeka Masarova at the WTA 125 Birmingham Open semis
CDO exec alarmed by 14 tons of daily medical waste
UST College of Science Class of 2026 inspired by chemist-entrepreneur Pinky Tobiano's commencement address

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania, Drew Arellano, Astro


Iya Villania sa anak na si Astro: “As crazy as his siblings but a little shy.”

May sweet surprise sina Iya Villania, Drew Arellano, at kanilang pamilya para sa anak nila na si Astro.

Mapapanood sa latest Instagram Reel na in-upload ni Iya sa kanyang IG account ang pagsorpresa ng Arellano family para kay Astro na nag-celebrate ng kanyang fourth birthday.


Mapapansin ang pagiging medyo mahiyain ng celebrity kid habang kinakantahan siya ng birthday song at inilalapit sa kanya ang dalawang birthday cakes.

Bukod sa video, may sweet caption din si Iya para kay Astro.

Inilarawan dito ng celebrity mom si Astro na isang sweet boy at inilahad din niya ang iba pang characteristics ng birthday boy na talaga namang kinagigiliwan nila.

May cute revelations din si Iya tungkol kay Astro. “He's great at drawing; As crazy as his siblings but a little shy.”

Sa kasalukuyan, mayroon nang more than 1 million views ang Instagram Reel, kung saan mapapanood ang surprise na natanggap ni Astro mula sa kanyang parents at siblings.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

Si Astro ang pang-apat sa limang adorable kids nina Iya Villania at Drew Arellano.

Talaga namang one big happy family ang pamilya Villania-Arellano.

Related gallery: The beautiful family of Drew Arellano and Iya Villania

Sa iba pang social media posts ng celebrity couple, makikita ang bonding moments ng kanilang mga anak na sina Primo, Leon, Alana, Astro, at Anya.