
Malaki ang pasasalamat nina Iya Villania at Drew Arellano sa kanilang panganay na si Primo dahil ang kanilang anak ang nagi-inspire sa kanila na magluto at mag-bake sa kanilang kitchen.
Saad ni Iya nagkakaroon siya ng oras sa pagluluto dahil sa initiative ni Primo, "Sobrang dali dahil minsan si Primo mismo 'yung naghahatak sa akin papuntang kusina dahil mayroon siyang gustong lutuin."
IN PHOTOS: Iya Villania and Drew Arellano are ready to learn more in 'Home Foodie' season 5
Ibinahagi rin ni Iya na gustong gusto ni Primo ang proseso ng pag-prepare ng pagkain.
"Kunyari may brownies na kaming kaka-bake lang kahapon, pero sa umaga, 'Let's bake brownies.' Sabi ko, 'Ubusin mo muna 'yung binake mo kahapon.'"
Dagdag naman ni Drew, madali na sa kanilang magkaroon ng bonding time sa kitchen dahil sinusuportahan nila ang interes ni Primo sa pagluluto.
"If that's what Primo likes to do then it's easier for us to work around the kitchen."
Para sa iba pang kitchen stories nina Drew at Iya, abangan sila sa Home Foodie simula ngayong June 10, Monday to Friday after Unang Hirit.