GMA Logo Iya Villania and Drew Arellano
Photo by: iyavillania (IG)
What's Hot

Iya Villania and Drew Arellano start building their dream house

By Aimee Anoc
Published December 5, 2021 11:10 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Barangay kagawad at senior citizen, parehong patay sa banggaan ng kanilang motorsiklo sa Iloilo
Mandaue City LGU, Mihangyo nga Pondohan ang Itukod nga Hospital | Balitang Bisdak
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania and Drew Arellano


"Today was a special day. A first for our family. Thank you, Lord." - Iya Villania

Masayang ibinahagi ni Iya Villania ang isa sa pinakaespesyal na araw sa buhay ng kanyang pamilya.

Sa Instagram, ipinakita ni Iya ang isinagawang groundbreaking ceremony para sa pagsisimula ng kanilang dream house. Kasama niya ang asawang si Drew Arellano at ang tatlong anak na sina Antonio Primo, Alonzo Leon, at Alana Lauren.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)

"Today was a special day. A first for our family. Thank you, Lord," pagbabahagi ni Iya.

Sa isa pang post, ibinahagi ni Iya ang larawan nilang pamilya kasama ang inang si Elena sa harap ng bubuuhing tahanan.

"We tried to get Alana to look but our little construction worker was too busy," sulat niya.

A post shared by Iya Villania-Arellano (@iyavillania)


Noong November 2020, una nang ibinahagi ni Drew na nahanap niya sa probinsya ng Rizal ang "most feasible place" para sa pinapangarap na bahay sa kanyang pamilya.

Samantala, tingnan ang masayang pamilya ni Iya Villania at Drew Arellano sa gallery na ito: