
Muling magkakasama sina Iya Villania at Chef Jose Sarasola para sa ikalawang season ng Eat Well, Live Well. Stay Well sa GMA Network.
Sa ginanap na media conference para sa nalalapit na pagsisimula ng kanilang programa ay ibinahagi nina Iya at Chef Jose ang mga napansin nilang pagbabago sa kanilang cooking habits ngayong nasa ikalawang season na sila ng programa.
Natatawang kuwento ni Iya, sa eating habits ay wala siyang ipinagbago, "Wala namang nagbago kasi ever since masarap naman na akong kumain. My bosses in GMA can attest to that, from Taste Buddies to Mars Pa More, masarap talaga kumain."
Photo source: @mamazingmoms
Paliwanag ni Iya, pagdating sa pagluluto nahanap niya na ang kaniyang confidence na maghanda ng masasarap na pagkain para sa kaniyang pamilya.
"What has changed are my cooking habits. I have definitely become so much more confident and comfortable being in the kitchen. Dati talaga parang nagpo-procrastinate pa ako e. Parang nakakatamad. Now it's such a joy to be in the kitchen and even if I don't know or have nothing exactly prepared.
Dugtong pa ni Iya ay natuto siyang mag-experiment ng iba't ibang lutuin dahil nga sa confidence niya sa pagluluto.
"I look forward to experimenting. Ganun na kalakas 'yung loob ko. I am not afraid to veer away from the recipe and to experiment and try something new."
Sa kuwento naman ni Chef Jose, dahil sa programang Eat Well, Live Well. Stay Well. na-discover niya na hindi dapat maging complicated ang isang dish para maging masarap ito.
"For me, finding out these recipes na sobrang sarap and sobrang dali na kayang kaya nating gawin sa bahay natin. As a chef, I've tried cooking different kinds of recipes and food. With these recipes that were learning sa Aji, parang sobrang sarap niya."
Ayon pa sa Kapuso chef, maging ang kaniyang pamilya, kaibigan, at followers ay naging interesado sa recipes ng programa.
"My grandma asked for the recipe, my family, my friends. May mga nagdi-DM sa akin sa Instagram na chef ang galing napanood ko 'yung recipe."
Saad pa ni Chef, natutuwa siya na maraming nag-e-enjoy sa kanilang recipes.
"I think people really appreciate these recipes kasi sobrang dali niyang gawin and of course it's really budget-friendly."
Abangan ang pagbabalik nina Iya at Chef Jose sa ikalawang season ng Eat Well, Live Well. Stay Well ngayong July 2, 11:20 a.m. sa GMA Network.
RELATED CONTENT:
Kapuso couple Iya Villania and Drew Arellano get first shot of COVID-19 vaccine
Chef Jose Sarasola, nakakuha ng endorsements nang maging celebrity chef ng 'Unang Hirit'