Nagpasalamat si Iya Villania sa mga sumubaybay ng January 15 pilot episode ng People vs. The Stars.
Ang People vs. The Stars ay ang kauna-unahang game show na pinagsamahan nila ng kanyang asawa na si Drew Arellano.
Unang ibinahagi ni Iya ang kanyang pasasalamat sa mga manonood.
Hope you all enjoyed #PeopleVsTheStars!!! ???? Thanks for supporting!!! ????????????
— IyaVillaniaArellano (@iyavillania) January 15, 2017
Ilan sa mga pinuri ng netizens ay ang pagiging informative ng kanilang game show at ang pagiging mahusay na hosts nina Iya at Drew.
Matapos basahin ang mga mensahe ng mga Kapusong sumubaybay sa kanilang show, nagpasalamat si Iya sa mga positive feedback na kanilang natanggap ni Drew.
Aww... trying to read all your tweets! ???? thank you so much for all the positive energy guys! ????????????
— IyaVillaniaArellano (@iyavillania) January 15, 2017
Nag-trend rin ang nasabing pilot episode sa Twitter.
MORE ON PEOPLE VS. THE STARS:
LOOK: Behind the scenes of 'People vs. The Stars'
Drew Arellano and Iya Villania, ready na bang sundan si Baby Primo?