
Labis din ang lungkot na nararamdaman ng “Chika Minute” host na si Iya Villania at dating host ng showbiz segment ng 24 Oras na si Pia Guanio, matapos pumanaw ang GMA Integrated News pillar na si Mike Enriquez sa edad na 71.
Sa post ni Pia sa Instagram Story, sinabi nito na isang karangalan na makatrabaho si Mike ng mahigit isang dekada. Nagsilbing “Chika Minute” host si Pia hanggang 2015.
Aniya, “I am honored to have worked with this man for 11 years in 24 Oras.”
“He was always ready to help, ready to have fun and was always your staunch supporter. He is incomparable.”
Nagkomento rin si Pia Guanio sa tribute ng DZBB Super Radyo anchor na si Connie Sison para kay Mike Enriquez sa Instagram. Pagsasalarawan ng celebrity mom na isang “awesome guy” ang yumaong broadcast journalist.
“He was really an awesome man! Always ready to help you, support you, joke around with you, always asking about loved ones!... one of the best. Mike is good with our LORD. Praying for Tita Baby and those that he's left behind.”
Samantala, ipinasilip naman ni Iya Villania sa Instagram Story ang nangyayari sa loob ng studio ng 24 Oras nang kumpirmahin ang pagpanaw ng kanilang kasamahan.
“Oh Sir Mike. It was an honor to work with you. You will continue to be missed. Rest in Peace,” post ni Iya.
Taong 1995 nang naging opisyal na Kapuso si Mike Enriquez at siya ang unang Pilipino na nanalo ng parangal bilang Best Newscaster sa Asian Television Awards.
Bukod sa pagiging TV at radio anchor, naging opisyal din siya ng RGMA Network.