
Ipinakita ng Kapuso host na si Drew Arellano ang cute at fun bonding ng kanyang asawa na si Iya Villania at kanilang bunsong anak na si Anya Love.
Mapapanood sa recent Instagram video na in-upload ni Drew ang kulitan moment nina Iya at Baby Anya Love. Makikita sa video ang nakatutuwang tawa ng celebrity baby habang kini-kiss ng kanyang Mommy Iya.
“Nagpagpiyestahan ng Nanay!' sulat ni Drew sa caption.
Kinagigiliwan naman ng netizens ang kuwelang bonding ng mag-ina sa comments section.
Noong Hunyo, ibinahagi ni Drew ang ilang adorable photos ni Baby Anya kasama ang kanyang mga kapatid na sina Leon at Astro.
Ipinanganak ang bunsong anak nina Drew Arellano at Iya Villania noong February 11.
Mayroon pang apat na anak ang Kapuso couple at ito'y sina Primo, Leon, Alana, at Astro.
RELATED GALLERY: The beautiful family of Drew Arellano and Iya Villania