GMA Logo Iya Villania, Camille Prats, and Kuya Kim Atienza
What's on TV

Iya Villania, Camille Prats, at Kuya Kim Atienza, iba't ibang opinyon ang ibabahagi sa 'Mars Pa More'

By Dianne Mariano
Published November 4, 2021 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dalagita, sugatan nang saktan at halayin umano ng amain sa Laguna
Weak ash emission on Mt. Kanlaon generates 400-m plumes
Roxie Smith's dreamy photos in Switzerland

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania, Camille Prats, and Kuya Kim Atienza


“We also have different opinions kaya nakakatuwa talaga and every episode is always going to be something different na kaabang-abang,” pagbahagi ni Iya Villania-Arellano.

Ang kaabang-abang na morning talk show na Mars Pa More ay magle-level up pa dahil sa newest addition na host. Walang iba ito kundi ang bagong Kapuso na si Kuya Kim Atienza.

Makakasama na nina Mars hosts Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao ang kanilang bagong pars at co-host simula sa Lunes, November 8.

A post shared by Mars Pa More (TV Show) (@marspamore)

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas ng 24 Oras, asahan daw na hindi sasang-ayon ang mars at pars sa lahat ng oras.

“Actually, meron din kasi minsan may mga opinyon din 'yung mga pars natin na, 'Ah okay, that's how you guys see it pala. 'Yun pala 'yung perspective ninyo,'” pagbahagi ni Iya sa ginanap na virtual press con ng Mars Pa More kamakailan.

Dagdag naman ni Camille, “Si Kuya Kim, nakakatawa 'yung observation niya about us na dine-debunk namin na, 'Hindi kami ganyan, Kuya Kim.' Tapos siya rin mayroon ding pinaglalaban na hindi raw sila nagchi-chikahan about girls.”

Sinabi naman ni Iya na magiging kaabang-abang at kakaiba ang kada episode ng Mars Pa More.

Aniya, “We also have different opinions kaya nakakatuwa talaga and every episode is always going to be something different na kaabang-abang.”

Huwag palampasin ang unang episode ng Mars Pa More kasama si Kuya Kim simula sa Lunes, November 8, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, muling kilalanin ang “Kuya ng Bayan” sa gallery na ito: