What's Hot

Iya Villania, excited na sa kanyang panganganak

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 5:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Top US Catholic cardinals question morality of American foreign policy
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News



We can't wait to see Baby Antonio Primo too!


Kabado ngunit mas excited si Iya Villania ngayong nalalapit na ang kanyang panganganak.

Nakapamili na raw si Iya at asawang si Drew Arellano ng mga damit ng kanilang firstborn na si Antonio Primo. Nag-enroll daw sila sa ilang birthing class at nagbabasa ng mga libro at articles. Hands-on din ang actress-host sa pag-aayos ng kanilang baby room. 

“Ang sinasabi nilang, ‘Isipin mo na lang Iya kahit sobrang sakit na ‘yun, ‘yung tuwa kapag nakita mo na ‘yung baby mo.’ So doon kami sobrang excited,” pahayag ni Iya sa panayam ng 24 Oras.

Sa parehong ulat ay ipinaliwanag din ng soon-to-be parents ang pinagmulan ng pangalan ng kanilang anak.

Ani Drew, “My younger brother and I, we were just joking of a very macho name, very masculine name. Antonio Primo came out. Antonio kasi is my dad’s name so Antonio Primo. [But you should pronounce it] with gusto.”

Kamakailan ay sinorpresa rin si Iya ng kanyang asawa, pamilya at mga kaibigan sa #HereComesPrimo baby shower. 
 
LOOK: Iya Villania’s #HereComesPrimo baby shower

“Nakakatuwa kasi this turned out to be a surprise for me. Nakakatuwa lang na ‘yung mga friends ko nandito, parang naging mini reunion din,” sambit ni Iya.

Video courtesy of GMA News

MORE ON IYA VILLANIA:

WATCH: Drew Arellano records a video of preggy wife Iya Villania dancing

LOOK: First photo of Iya Villania and Drew Arellano's baby boy