GMA Logo Iya Villania
What's Hot

Iya Villania, inaming hindi pa siya handang mag-travel ngayong 2021

By Maine Aquino
Published January 8, 2021 11:45 AM PHT

Around GMA

Around GMA

BTS teases cryptic date, wipes Instagram account
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania


Ayon kay Iya Villania, sisiguruhin niya munang ligtas na ang lahat bago siya magplano para sa kanyang pamilya ngayong 2021.

Inamin ni Iya Villania na wala siyang specific na plano ngayong 2021 dahil sa patuloy pa rin ang banta ng COVID-19 pandemic.

Ikinuwento ito ng host ng new show na Eat Well. Live Well. Stay Well. sa ginanap na online press conference nitong January 7.

Ayon kay Iya, nananatili siyang reserved para sa kaligtasan ng Arellano family.

Photo source: @iyavillania

Si Iya ay ang asawa ni Drew Arellano at mommy nina Primo, Leon, at Alana.

Saad ni Iya sa miyembro ng press, “Reserved pa rin ako. Ang hirap umasa e.”

Kuwento pa ni Iya ay nais niyang mag-enjoy na lang muna kasama ang kanyang pamilya sa kanilang bahay. Iniiwasan niya pa rin umano na lumabas kahit na nakikita niyang marami nang mga tao ngayon na namamasyal sa iba't ibang lugar.

“I'm just going to enjoy being with my family. I am trying not to give in to being complacent. Kasi dahil ngayon, medyo lumalabas na 'yung mga tao. I feel that people are starting to ease up. I'm trying not to give in to being complacent.”

Inamin pa ng celebrity mom na sinusubukan niya pa ring maging strict ang kanilang pamilya sa pagsunod ng health guidelines para sa ikakabuti nilang lahat.

“I'm still trying to make sure that we're very strict with our safety protocols.”

Ayon kay Iya, sakali mang mamamasyal sila ng pamilya pipiliin muna nila ang out of town adventures. Saad ni Iya ay hindi pa siya nakakasiguro sa out of the country na pagbiyahe kasama ang kanyang mga anak.

“I would love to be able to get outside more whether it's out of town; I am not sure about out of the country. That might be a long shot.”

Inamin rin ng Kapuso star na kapag safe na ang lahat nais niya umanong ipasyal sina Primo, Leon, at Alana sa iba't ibang lugar.

“The moment that it's safe to travel, that's something that I would like to do with the kids.”

Si Iya ay mapapanood bilang si Mamazing sa bagong cooking show ng GMA Network at Ajinomoto Philippines Corporation na Eat Well. Live Well. Stay Well. Mapapanood si Iya kasama ang Kapuso celebrity chef na si Jose Sarasola. Si chef Jose ay gaganap naman sa programa bilang si Chef Cuz.

Ang 10-minute cooking show ni Iya at chef Jose ay nagsimula ngayong January 8, 11:20 a.m. sa GMA Network.

Silipin ang cute na cute na babies nina Iya at Drew na sina Primo, Leon, at Alana sa gallery na ito: