
Game na kumasa sa trending na "Suspect" challenge si Iya Villania noong Biyernes sa kanyang "Chika Minute" report sa 24 Oras.
Sa clip na ipinost ng GMA News, makikita si Iya na pabirong tumatakbo habang sinasabi ang "Suspect, suspect na may panlima nang anak!"
Matapos itong sabihin, napahinto si Iya sa pagtakbo at tumingin sa camera, " Ako ba 'yon?"
"Ako 'yon," sagot ng TV host.
Noong September, inanunsyo nina Iya at Drew Arellano na magkakaroon na sila ng panlimang anak at ito ay baby girl.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MASAYANG PAMILYA NINA IYA VILLANIA AT DREW ARELLANO SA GALLERY NA ITO: