What's on TV

Iya Villania, may nais ipabago sa kanyang katawan?

By Dianne Mariano
Published September 9, 2021 6:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

PH embassy: No policy changes yet on dual citizenship in US
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

iya villania mars pa more


Ano nga ba ang gustong ipaayos ni Kapuso TV host Iya Villania sa kanyang katawan? Alamin dito:

Ibinahagi ni Mars Iya Villania na nais niyang ipaayos ang kanyang hinaharap sa segment na “On The Spot: Handa Ka Na Ba” edition ng Mars Pa More nitong September 8.

Sa nakatutuwang laro na ito, sinagot ni Iya ang tanong na: “Kapag pumuti na ang buhok mo at tumanda ka na, handa ka na bang... magpatulong na sa cosmetic surgeon at ano ang babaguhin mo if ever?”

Sagot ni Iya, “Babaguhin ko ang aking dey dey. Ang aking dey dey mars. I'm sure by that time, lungkot na lungkot na siya kaya ipa-happy natin ng very light ang ating dey dey.. kapag dumating ang panahon.

Iya Vilania on Mars Pa More

Photo courtesy: Mars Pa More

Ayon naman kay Mars co-host Camille Prats, marami na raw itong naimbag sa pamilya ni Iya.

Aniya, “At saka Mars, malaki din naman ang naiambag ng mga 'yan sa iyong pamilya. So deserve niya ang some loving.”

Dagdag pa ni Iya, “Grabe din naman yung return of investment kasi at least ang dami ko rin na-save na pera. Kung ano yung na-save ko sa pagpapa-dede ko sa mga anak ko, 'yun yung gagastusin ko naman sa pagpapa-ayos.”

Kamakailan lamang ay nag-post si Iya ng kanyang personal entry para sa World Breastfeeding Awareness Month at sinaluduhan niya ang mga kapwa nanay na patuloy na humahanap ng paraan para mapakain ang kanilang mga anak, breastfed man o hindi.

Paanorin ang buong episode ng Mars Pa More sa video sa itaas at alamin pa ang nakatutuwang mga sagot nina Mars hosts Iya, Camille, at guest stars Thea Tolentino at Kelley Day sa “On The Spot: Handa Ka Na Ba” edition.

Kapag hindi naglo-load ang video sa itaas, maari itong mapanood dito.

Para mas marami pang celebrity features tulad nito, huwag palampasin ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA Network.

Samantala, balikan ang sweetest moments nina Iya Villania at Drew Arellano sa gallery na ito: