Celebrity Life

Iya Villania, nagkuwento tungkol sa kanyang panganganak

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 20, 2020 12:28 PM PHT

Around GMA

Around GMA

From DongYan to Carla Abellana, here are some 2026 celebrity predictions by a Feng Shui expert
YEARENDER: Calamities that hit W. Visayas, NegOcc in 2025
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Ilang oras matapos manganak, ibinahagi agad ni Iya Villania sa pamamagitan ng kanyang programang 24 Oras ang kanyang naging karanasan sa pagdating ni Baby Antonio Primo.


Ilang oras matapos manganak, ibinahagi agad ni Iya Villania sa pamamagitan ng kanyang programang 24 Oras ang kanyang naging karanasan sa pagdating ni Baby Antonio Primo.

Ayon sa ulat sa 24 Oras, humilab na ang tiyan ni Iya noong Lunes, August 29 ngunit umuwi rin sila ng kanyang asawang si Drew Arellano sa bahay matapos magpatingin sa ospital. Bumalik silang muli sa ospital ng 5 A.M. ng August 30.

Matapos ang anim na oras na pagle-labor ay isinilang via normal delivery si Baby A nitong August 30 sa ganap na 12:06 P.M.  Ang sanggol ay may bigat na 2.9 kgs.

Nakaramdam man ng hirap at takot ang first-time mom, napawi ang lahat ng ito nang masilayan niya si Baby A.

“Hay nako, ang hirap pero ang sobrang sarap kapag nailabas si baby,” kuwento ni Iya.

“Sobrang sobrang sulit lahat ng paghihirap, the nine months, lalo na the labor… pero ang sarap kapag nandyan na ‘yun baby,” patuloy niya.  

September 4 raw ang full term ng pagbubuntis ni Iya ngunit isinilang niya ang kanyang firstborn sa kanyang 39th week. Maliban kay Drew, hindi rin daw siya iniwan ng kanyang ina sa kanyang panganganak.

 

Videos from GMA News

MORE ON THE ARELLANOS:

READ: Iya Villania gives birth to Baby A

WATCH: Drew Arellano and Iya Villania share the story of their son Antonio Primo

READ: Iya Villania shares travel safety tip for babies