
Maraming tao ang nagpaparating ng concern kay Iya Villania sa kanyang workout routine dahil ipinagbubuntis niya ngayon ang kanilang ikalawang anak ni Drew Arellano.
Ilan sa mga netizens ay laging nagpapahayag ng kanilang pag-aalala sa ginagawang exercise ni Iya, kaya naman nagbigay siya ng pahayag sa mga comments na kanyang nakukuha.
"Well it's really something that I stand by. It's really something that I live for. I've lived an active lifestyle ever since... it's what puts me in a happy state and I think it's also what helps me be a happy and a better mom for Primo and for my future baby also, for this one in my stomach now," pahayag ni Iya sa ginanap na press conference para sa Home Foodie.
IN PHOTOS: Drew Arellano and Iya Villania's #Madalicious new show starts on June 11
Dagdag pa ni Iya, concerned ang kanyang mga followers dahil hindi nila alam ang tamang workout para sa mga mommies na may active lifestyle. Aniya, "Concerned sila because they lack the knowledge. They also lack the confidence because siguro kung iisipin nila kung ako ang gagawa niyan, napakahirap."
Ipinaliwanag rin ni Iya na alam niya kung kailan dapat mag-slow down dahil hindi niya ipapahamak ang kalagayan ng kanyang ipinagbubuntis.
"Because it's hard for them, hindi ibig sabihin ganun kahirap din para sa akin. Of course I've toned down my workouts but it still looks intimidating so huwag lang sila madala sa mga movements because of course I wouldn't do something that would be dangerous for my son," paliwanag niya.