What's on TV

Iya Villania, natutuwa sa kanyang 'Mars Pa More' co-host na si Camille Prats

By Dianne Mariano
Published May 12, 2022 11:03 AM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Iya Villania and Camille Prats


Alamin ang nakatutuwang sagot ni Kapuso TV host Iya Villania para sa kanyang 'Mars Pa More' co-host na si Camille Prats dito.

Ibinahagi ni Kapuso television host Iya Villania sa recent episode ng Mars Pa More na siya ay natutuwa sa kanyang co-host na si Camille Prats.

Ito ay sinagot ng celebrity mom sa segment na “Grab A Word” kung saan kailangan niyang buuhin ang phrase na: Dear ____ gusto kong malaman mo na ____ ako sa'yo dahil _____.

Ayon kay Iya, natutuwa siya kay Camille dahil bukod sa katrabaho niya ito ay magkaibigan pa sila.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

Aniya, “Natutuwa ako sa'yo Mars [Camille Prats] kasi I feel like… Alam mo, it's not all the time that you get to work with someone that you connect with on so many levels.

“Kaya natutuwa ako because we get to be with each other every week, we always get to reconnect, we always get to share each other's lives with each other. Kaya ako natutuwa sa'yo Mars kasi workmate na nga, friends pa.”

Sa segment na ito, napunta naman kay Camille ang salitang “nanghihinayang” at para ito sa kanyang “friendship” na hindi na niya pinangalanan.

PHOTO COURTESY: Mars Pa More (show page)

“Dear friendship, huwag na natin siyang pangalanan. Gusto ko lang malaman mo na nanghihinayang ako dahil parang feeling ko hindi na tayo on the same wavelength pagdating sa pagkakaibigan natin,” pagbabahagi niya.

Paliwanag pa niya, “Kasi isa sa mga na-realize ko guys, these past two years nitong pandemic na talagang dito pala talaga lalabas 'yung mga tunay na kaibigan mo. Kasi ito 'yung panahon na lahat tayo we were going through so much, ang daming pinagdadaanan, everything's uncertain. So, dito rin talaga lalabas 'yung mga alam mong mahalaga sa'yo at mahalaga ka rin sa kanila."

Panoorin ang buong “Grab A Word” segment ng Mars Pa More sa video sa itaas o dito.

Para sa mas marami pang celebrity features tulad nito, subaybayan ang Mars Pa More tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:45 a.m. sa GMA.

Samantala, silipin ang fourth pregnancy journey ni Iya Villania sa gallery na ito.