
Bukod sa pagiging co-hosts sa dating talk show na Mars, naging matalik na magkakaibigan din sina Camille Prats, Iya Villania, at Suzi Entrata.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong May 20, ibinahagi ng tatlong Mars kung paano nagsimula ang pagkakaibigan nila.
Ani Suzi, sila naman talaga ni Iya ang naunang naging magkaibigan dahil malapit na magkaibigan din ang mga asawa nilang sina Paolo Abrera at Drew Arellano. Bukod pa rito, matagal ring nakatrabaho ng Unang Hirit host si Drew sa naturang morning show.
“Drew was on Unang Hirit for the longest time. So, 'pag may gatherings and stuff, kasama i Iya. 'Pag nagta-triathlon 'yung mga asawa namin, magkasama kami,” sabi ni Suzi.
Dagdag pa ni Iya, dahil matagal nang magkatrabaho sina Suzi at Drew, hindi maiiwasang maging malapit sila sa isa't isa.
Sa Mars naman nag-umpisa ang pagkakaibigan nina Suzi at Camille, at sa pitong taon na nagkasama sila sa show, naging malapit sila sa isa't isa. Sa katunayan, puno pa nga ng paghanga ang Kapuso actress sa naturang host.
Ani Camille, “Siyempre si Ate Suzi, naggi-guest ako sa show niya na I think that was Full-Time Moms na I remember, every time I would guest there, sobrang warm kasi si ate. Like sobrang welcoming, sobrang accommodating, parang 'pag nagkita kayo, close kayo agad."
So, when I heard na I'm gonna be working with her, I was excited kasi parang feeling ko, 'Ah, at least, 'yun, pero 'yun si Ate sa host, siya na ang bahala sa 'kin.'' That is what I literally told Ate on our first episode,” sabi ng aktres.
TINGNAN ANG ILAN SA MGA PINAKAMATATAG NA CELEBRITY FRIENDSHIPS SA GALLERY NA ITO:
Aminado naman si Iya na noong lumipat ang Mars sa GMA Network galing GMA News TV at pinalitan niya si Suzi, hindi pa sila masyadong close noon ni Camille.
“I was really hoping na when I came in, I was really looking forward to doing the show with Suzi. I was really stuck. And I remember talking to the bosses, 'Sure ba kayo na hindi pwedeng kaming dalawa ni Suzi?'” pagbabahagi ni Iya.
Sabi pa ni Camille, kung sino ang common person nila na si Suzi, siya pa ang wala para sana magtulay sa kanila ni Iya. Ngunit hindi nagtagal, naging magkaibigan din ang dalawa.
Panoorin ang panayam kina Iya, Suzi at Camille dito: