
Laging maging alisto!
Ito ang naging pahayag ng Chika Minute host na si Iya Villania matapos nakawin ng isang lalaki ang kaniyang cellphone habang nagsha-shopping sa isang mall.
WATCH: Iya Villania, nanakawan ng cellphone
Sa ulat ng 24 Oras kagabi, March 15 makikita sa kuha ng CCTV camera kung paano sinikwat ng isang lalaki na kakuntsaba ang ilang babae ang kaniyang cellphone na nasa loob ng back pocket ng isang stroller.
Kasama niya noon sa mall ang anak nila ni Drew Arellano na si Baby Primo.
Naglabas din ng saloobin si Iya sa kaniyang Instagram Stories kung saan nagpaalala siya na dobleng mag-ingat lalo na sa mga matataong lugar.
Sa huli, mas iniisip ni Iya na maayos ang lagay ng kaniyang anak na pinakamahalang bagay sa kaniyang buhay.