GMA Logo Iyah Mina starbucks incident
What's Hot

Iyah Mina, may di magandang karanasan sa isang kilalang coffee shop?

By Mark Joseph F. Carreon
Published November 4, 2025 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Harry Styles opens up about Liam Payne's passing: 'It's so difficult to lose a friend'
Transient vendors seek space at Iloilo market
F1 star Charles Leclerc ties the knot with Alexandra Saint Mleux

Article Inside Page


Showbiz News

Iyah Mina starbucks incident


Naayos na kaya ang hindi pagkakaintindihang naganap sa pagitan ng staff ng isang sikat na coffee shop at ng komedyanteng si Iyah Mina?

Nagkuwento ang komedyante at aktres si Iyah Mina ng kanyang karanasan sa isang social media post matapos siyang matawag na "Sir" ng staff ng isang kilalang coffee shop sa Quezon City.

Ayon kay Iyah, “Kaloka kayo ha! Okay lang naman na magkamali ng tawag! Paulit-ulit lang talaga 'yung tawag na 'Sir'..kung hindi alam ang itatawag na pronoun, 'wag nang itawag.”

Humakot ang post na ito ng atensyon at magkakahalong opinyon mula sa netizens.

Muling nagsalita ang aktres para linawin ang rason ng kanyang pagpopost sa Facebook: “Ginamit ko 'tong platform na 'to to tell what happened, pero hindi mang-insulto ng sino man.”

Agad naman daw na tumawag ang kilalang coffee shop sa kanya upang tugunan ang isyu. Sa isang bagong social media post, sinabi ni Iyah na matapos ang isang call mula sa manager ng coffee shop, nagkaayos na rin sila at napagpasyahan na lang nila na tuldukan ang isyu.

“Sinabihan ko rin na ayaw kong may matanggal sa trabaho... Naiintindihan ng manager na tama naman, 'pag hindi alam ang pronouns, name basis or in other respectful ways,” giit ni Iyah.

Ayon din kay Iyah, dapat na magkaroon muli ng orientation ang mga staff ng kilalang coffee shop patungkol sa Quezon City Gender Fair Ordinance (Ordinance No. SP-3147 S-2025), ang landmark law na nagpapatibay sa mga polisiya laban sa "gender-based discrimination" at nagpo-promote ng "inclusivity for all residents," partikular ang miyembro ng LGBTQIA+ community.

Sa huli, nagpasalamat ang komedyante sa manager ng coffee shop sa tinawag niyang 'masayang chikahan'.

“Thank you sa manager. Wala pala that time na nangyari 'yun. Tinawag pa akong mamu kasi kilala niya pala ako. Pero thanks po sa pakikinig. 'Di ba saya lang ng chikahan natin. Basta sa mabuting pag-uusap, hindi yung 'daming ebas makasali lang!” sabi ng sikat na komedyante.

Matapos magawaran bilang Best Actress noong 2018 Cinema One Originals, patuloy si Iyah Mina sa pamamayagpag sa pag-arte at ngayo'y bahagi ng cast ng pelikulang, Dreamboi na entry sa katatapos lamang na 1st Cinesilip Film Festival. Ang Dreamboi ay pinagbibidahan nina Tony Labrusca, EJ Jallorina, at Migs Almendras. Ito ay mula sa direksyon ni Rodina Singh.

RELATED CONTENT: Iyah Mina channels her inner Heart Evangelista