
Inalala ng OG Sang'gres na sina Iza Calzado, Diana Zubiri, at Karylle ang kanilang iconic characters at nagbigay ng mensahe para sa ika-20 anibersaryo ng Encantadia noong Biyernes, May 2.
Umere ang unang episode ng Encantadia noong May 2, 2005, na pinagbidahan nina Iza bilang Amihan, Diana bilang Danaya, Karylle bilang Alena, at Sunshine Dizon bilang Pirena.
Sa Instagram, ibinahagi ni Iza ang tribute video ng @ions_izadoration para sa Encantadia character na si Amihan.
Ipinakita naman ni Karylle ang ilan sa toys at dolls ng kanyang characters sa iba't ibang shows kabilang na rito si Alena.
"Hasne Ivo Live, Encantadia! Happy 20 years to us Enca fam and Enkantadiks," pagbati ni Karylle.
"Alena lives on in every single happy interaction I have with someone who spent their childhood with us. I thank every single one of you who ever took the time to tell me about your childhood. E correi diu," dagdag niya.
Nag-iwan ng komento si Iza sa post na ito ni Karylle, aniya, "E corre diu, Alena! You probably have the most photos thanks to Papa M. Can't believe it's been 20 years! Hasne Ivo Live, Encantadia!"
Samantala, nagpasalamat naman si Diana sa mga nagmahal sa karakter niyang si Danaya.
Sulat niya, "Unang Teleserye ko ang Encantadia, wala pa ako masyado kaalam-alam dito pero minahal ninyo ako. Happy 20 years mga Ashti! Avisala Eshma."
Noong 2016, nagkaroon ng reboot ang Encantadia na pinagbidahan nina Kylie Padilla bilang Amihan, Glaiza De Castro bilang Pirena, Gabbi Garcia bilang Alena, at Sanya Lopez bilang Danaya.
Ngayong 2025, ipagpapatuloy ang kuwento ng Encantadia Chronicles sa Sang'gre na pagbibidahan ng new-gen Sang'gres na sina Bianca Umali bilang Terra, Kelvin Miranda bilang Adamus, Faith Da Silva bilang Flamarra, at Angel Guardian bilang Deia.
Abangan ang Encantadia Chronicles: Sang'gre soon sa GMA Prime.
Panoorin ang teaser ng Encantadia Chronicles: Sang'gre sa video na ito:
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA EKSENANG IPINASILIP SA BAGONG TEASER NG 'ENCANTADIA CHRONICLES: SANG'GRE' SA GALLERY NA ITO: