GMA Logo izzy canillo
What's on TV

Izzy Canillo, umani ng papuri bilang batang Louie sa 'The World Between Us'

By Aaron Brennt Eusebio
Published July 8, 2021 7:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

izzy canillo


Naiyak rin ba kayo noong umiyak ang batang Louie dahil namatay ang kanyang ina?

Umani ng papuri ang child actor na si Izzy Canillo dahil sa kanyang pagganapbilang batang Louie sa GMA primetime series na The World Between Us.

Sa July 6 episode kasi ay umiyak si Louie dahil namatay sa aksidente ang kanyang inang si Clara, na ginampanan ni Glydel Mercado.

Panoorin ang makabagbag damdaming eksena dito:

Sa Twitter, marami ang pumuri sa talento ni Izzy bilang aktor dahil pati silang nanonood ay naramdaman ang lungkot ng batang si Louie.

Tweet ng isang netizen, "One of the most Heartbreaking scenes. I'm so proud to young louie, Ang galing nya!"

Binigyang papuri din ng netizens ang aktres na si Shanelle Agustin, ang gumaganap na batang Lia, ang karakter na gagampanan ni Jasmine Curtis-Smith.

Komento ng isang netizen, "Galing din ng acting ng young Lia! Ramdam na ramdam mo ang mga emosyon niya."

Kilalanin pa sina Izzy, Shanelle, at Will Ashley, ang gumaganap na batang Brian, dito:

Mapapanood ang The World Between Us, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA Telebabad pagkatapos ng 24 Oras.

Sa mga Kapuso abroad, maari itong mapanood sa pamamagitan ng GMA Pinoy TV.