Isang camping trip ang hinanda ni Pepito kung saan pupunta ang buong pamilya sa Hot Air Balloon festival sa Pampanga. Kaso mukhang hindi lahat excited, bakit kaya?
For sure na-miss niyo ang love team na JaBea mga tweens. Huwag kayong mag-alala dahil guest ngayong Sabado si Bea Binene.
Ano kayang nakakakilig na eksena ang masasaksihan natin sa dalawa at magkaroon kaya ng aminan kung ano ba ang totoong nararamdaman nila sa isa’t-isa habang sakay ng hot air balloon?
Maaadik si Mimi sa panonood sa bago niyang HD TV! Madalas itong nagkukulong sa kuwarto at ayaw paistorbo. Naku po! Is disaster waiting to happen?
Don’t change that channel! Panoorin ang Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento sa Sabado Star Power pagkatapos ng 24 Oras Weekend sa Kapuso network.