GMA Logo Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Vice Ganda
PHOTO COURTESY: jackiegirlg, hajie_alejandro, praybeytbenjamin (Instagram)
What's on TV

Jackie Gonzaga and Cianne Dominguez tell the most important lesson they learned from Vice Ganda

By Dianne Mariano
Published October 2, 2025 6:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

SWS: Net trust rating ni Marcos sa Nov., nasa -3%; VP Sara, umangat sa 31%
How celebrity families celebrated Christmas 2025
Kids in Siquijor get gifts from Canadian musician

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga, Cianne Dominguez, Vice Ganda


Ano kaya ang pinakamahalagang aral na natutunan nina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa 'It's Showtime' mainstay na si Vice Ganda?

Masayang nakapanayam ni Boy Abunda ang dalawang naggagandahang hosts ng It's Showtime na sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez.

Sa episode ngayong Huwebes ng Fast Talk with Boy Abunda, isa sa mga tanong para kina Jackie at Cianne ay kung ano ang pinaka-importanteng lesson na natututunan mula sa It's Showtime mainstay at Unkabogable Star na si Vice Ganda pagdating sa trabaho..

Ayon kay Cianne, natutunan niya mula kay Vice Ganda ang pagiging generous o mapagbigay. Aniya, “'Yung pagshe-share niya ng blessings na natatanggap niya sa ibang tao. Kung ano 'yung natatanggap niya, binibigay niya talaga nang walang kahit ano'ng doubt, walang kahit ano'ng parang hingi ng balik. Nagbibigay talaga siya.”

Para naman kay Jackie, natutunan niya mula kay Vice Ganda, na kanyang manager, na palaging ibigay ang best tuwing nasa trabaho.

“In terms po sa trabaho, 'yung natutunan ko talaga kay Ate na everyday, kapag may pagkakataon ka sa trabaho, hindi puwedeng pucho-pucho. Kailangan sagad palagi, no matter what, ibigay mo [lahat],” ani Jackie.

Ikinuwento rin nina Jackie at Cianne kung paano nabago ng It's Showtime at ni Vice Ganda ang kanilang mga buhay.

Para kay Jackie, marami siyang nadiskubre sa kanyang sarili nang dahil sa pagiging bahagi ng naturang noontime variety show.

"Sobrang laking pagbabago po kasi, Tito Boy, ako feeling ko dito ako talagang lumabas sa shell ko, parang nag-bloom. Parang mas minahal ko 'yung sarili ko, mas natutunan kong i-embrace kung ano'ng meron ako. 'Yung talents, lahat, ang dami kong na-discover sa sarili ko," kwento niya.

Sagot naman ni Cianne, "Yung hindi pag-doubt sa sarili. Ayun talaga 'yung [sinasabi] niya na 'Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan. Kaya ka nilalagay diyan kasi kaya mong gawin 'yan.' Ayun 'yung pag-e-encourage niya."

Napapanood sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: 'It's Showtime' hosts grace the GMA Gala 2025 in their stylish ensembles