GMA Logo Jackie Gonzaga, Darren Espanto
Photo by: Dianne Mariano (GMANetwork.com), darrenespanto IG
What's on TV

Jackie Gonzaga, kinikilig kay Darren Espanto?

By Kristine Kang
Published February 24, 2026 12:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 lalaki, huli sa basag-kotse at pagtangay ng bag na may lamang baril at ₱200K
Tomatoes end up by the road in Nueva Vizcaya due to oversupply
K-Pop stars draw attention as they head to Milan Fashion Week

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga, Darren Espanto


May munting mensahe rin si Jackie Gonzaga sa kanyang bashers.

Isa sa mga paboritong biruan ng madlang people at ng It's Showtime hosts ang pagli-link kina Jackie Gonzaga at Darren Espanto.

Mula sa simpleng pagtabi sa stage hanggang sa kanilang banters, hindi maiwasang kiligin ng fans at biruin ang dalawa bilang potensyal na love team.

Dahil dito, marami ang nagtatanong kung posible kayang mauwi sa totohanan ang kanilang tambalan!

Sa isang vlog ni Kris Bernal, game na sumabak ang Ate Girl sa hot seat challenge na “Love or Lie.”

Isa sa mga naging tanong kay Jackie ay, "Kinikilig ka raw kapag sini-ship kayo ni Darren Espanto ng madlang people?"

Hindi agad nakasagot ang dancer-host at napaisip muna, na lalo namang ikinatuwa ni Kris.

Maya-maya'y ang sagot niya, "Sige love na lang. Kinikilig sa tuwa ba."

Hindi naman nagpahuli si Kris at sinundan pa ito ng,"'Yung kilig na as in puwede ganoon?"

"Pwede, pwede naman," nakangiting tugon ng dancer-host.

Nang tanungin kung pasok ba si Darren sa kanyang tipo, simple ngunit makahulugang sagot ni Jackie.

"Pwede naman. Pasok naman, oo," sagot niya na napasaya kay Kris.

"Pwede naman Darren, eme," agad na banat ng aktres.

"Kayo ha, 'yung mga ano na naman. Baka may mag-violet (sa galit) diyan," pabirong hirit ni Jackie, patungkol sa posibleng reaksyon ng bashers.

Sa usapang hate comments, inamin ng Ate Girl na nasasaktan din siya sa ilang negatibong reaksyon online.

"Parang nahulma ka nila sa ganitong image. Kunwari kasi nga kung kani-kanino nali-link or whatever. Parang umi-image sa 'yo na 'para sa lahat'," pahayag ni Jackie.

Gayunpaman, ani ng House of Lies star na kadalasan umano'y nag-uugat sa inggit ang ganitong komento—lalo na sa kagandahan at talento ni Jackie.

Sa huli, nag-iwan si Jackie ng simplen ngunit makahulugang mensahe para sa basher.

“Sa bashers po, make love not lie,” aniya

Ang naturang vlog ay parte ng behind-the-scenes ni Kris sa kanyang pagbisita sa fun noontime show.

Nakisali rin ang iba pang hosts kagaya nina Vice Ganda, Teddy Corpuz, Amy Perez, at Darren Espanto sa "Love or Lie" challenge ng aktres.

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

Kilalanin pa si Jackie Gonzaga sa gallery na ito: