
Kinilig ang madlang Kapuso sa moment nina Jackie Gonzaga at guest searchee na si Ferdie sa patok na segment na "EXpecially For You" nitong Huwebes (July 18).
Nang pinili kasi si Ferdie ng tampok na ex-couple na sina Chichay (searcher) at Ahldryn (ex), pabirong nagtanong si Vice Ganda kung sino naman ang pipiliin niya sa mag-ex.
Pero biglang kinilig ang mga host at audience nang pinili ni Ferdie si Ate Girl Jackie.
"Hooy, pumipili sa iyo 'nak," masayang sinabi ni Vice.
Patawang sinagot naman ni Jackie na hindi siya ang searcher, kung hindi si Chichay.
"Iimbitahan ka namin kung uupo na si Jackie," biro naman ni Jhong Hilario.
Masayang tinanong naman ni Vice si Jackie kung ano'ng feeling na siya naman ang pinili.
Napangiti ang Ate Girl ng It's Showtime at tuwang sinagot, "Masarap kasi malalaman mo, ' Ay. Kapili-pili rin pala ako.' "
Dagdag pa niya, "Thank you Ferdie, ah. Pero si Chichay ngayon, eh."
Habang kinikilig para sa kaniyang kaibigan, biniro ni Vice na kunin ni Jackie ang Facebook account ni Ferdie pagkatapos ng show.
Maliban dito, naging usapan din ng netizens online ang opinyon ni Jackie tungkol sa attraction ng isang tao sa iba kahit meron na silang kasintahan.
Tinanong kasi ni Vice kung okay lang ba pahintulutan ang mga nobyo na ma-attract sa ibang tao.
Para kay Jackie, okay lang naman ma-appreciate o ma-attract sa mga mas magaganda o guwapo. Basta ang mahalaga, may limitasyon ito at pipiliin pa rin ang kanilang mahal sa buhay.
"Meron at merong magiging mas maganda sa iyo, mas okay sa iyo na tao sa paligid. Pero nasa partner mo kung ikaw pa rin ang pipiliin," sabi ni Jackie.
ate girl jackie ate and left no crumbs 😌🫵🏻 #ShowtimeYanYanYanpic.twitter.com/ZpQrmWGHim
-- ً (@cinnamonroelle) July 18, 2024
Sa huli, pinili ni Chichay si Ferdie na maging ka-date niya. Marami rin ang kinilig nang nagkita na silang dalawa nang harap-harapan.
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, tingnan ang mga artistahing 'EXpecially For You' guest sa gallery na ito: