
Ilang beses hinarana ng mga haranista si “Ate Girl” Jackie Gonzaga sa grand launch ng Ginebra San Miguel 2027 Calendar Girl kagabi, November 12, sa Diamond Hotel sa Malate, Manila.
Ayon kay Jackie, isa raw ito sa mga gesture na maaaring makapukaw agad ng atensyon niya.
“Sino ba namang babae ang hindi mimithiin at gugustuhing haranahin?” sabi niya sa event host na si Martin Javier.
Dagdag niya, “Feeling ko, ang laki ng impact o mas makukuha ng tradisyunal na pamamaraan yung atensyon ko. Kasi, madali na lang mag-DM, madaling mag-heart, madaling mag-like. Parang hindi ka nag-iisip na puwede mong gawin 'yon.
“Pero yung traditional way, parang binibigyan ka talaga ng atensyon, effort, lahat. Parang yung respect and all na makukuha mo, parang iba siya, 'no?
"Iba din yung guts para gawin yun. So, parang, 'Sige, kuha mo ako sa ganyan mo.'"
Related gallery: Meet Jackie Gonzaga, the certified hot babe of 'It's Showtime'
Samantala, ngayong ipinakilala na siya bilang 2027 Calendar Girl, posibleng magkaroon na si Jackie ng mas maraming manliligaw. Bagay na tatanggapin naman daw niya.
Sa ngayon, nanatili raw siyang single. Pero paglilinaw niya, “Hindi natin sinasarado yung doors natin sa love life, pero kung may taong karapat-dapat na sabihan natin ng yes, why not?”
Dahil dito, natanong din si Jackie tungkol kay Darren Espanto, isa sa co-hosts niya sa It's Showtime at kilalang malapit sa kanya.
BASAHIN: Jackie Gonzaga, may inamin tungkol sa relasyon nila ngayon ni Darren Espanto
Ani Jackie, madalas daw siyang “hinaharana” ng singer-host.
“Naharana naman na niya ako. Sobrang galing nun kumanta. Lagi 'yong kumakanta kaya ang sarap niyang pakinggan.”
Tatanggapin ba niya kung sakaling ligawan siya ni Darren?
Sagot ng sexy host, “Why not? Pwede din naman.”