
Hindi maitatanggi na maganda ang chemistry ng It's Showtime co-hosts na sina Darren Espanto at Jackie Gonzaga, na unang nakita noong magtanghal sila sa “Magpasikat” sa 15th anniversary special ng naturang noontime show.
Lalo pa naging kapansin-pansin ang chemistry nila dahil sa panunukso ng kanilang co-hosts sa It's Showtime. At sa pagbisita nina Jackie at Cianne Dominguez sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Huwebes, October 2, deretsang tinanong ni Boy Abunda si Jackie, “Oo, hindi, kayo na ba ni Darren Espanto?”
Sagot ni Jackie, “Tito Boy, hindi naman po, hindi po kami ni Darren.”
Nilinaw din ni Jackie na hindi naman nanliligaw si Darren at ipinaliwanag na talagang malapit lang sila ng mga co-hosts nila sa noon time show.
“Sa amin kasi sa Showtime, sobrang close po namin lahat, 'yung relationship namin talaga du'n, iba po talaga, kasi everyday po tito (magkasama),” sabi ni Jackie.
Pinuna rin ng tinaguriang King of Talk ang naging sagot ni Jackie sa tanong sa “Fast Talk” segment kung ang dine-date ba niya ngayon ay older o younger sa kanya. Sagot kasi ng dancer-host dito ay “Younger.”
“Hindi po, Tito, kasi, lately, parang 'yung mga lumalapit sa'kin, younger talaga sa'kin,” paliwanag ni Jackie, na sinang-ayunan naman ni Cianne.
Ayon pa kay Jackie, sobrang saya lang talaga ng buhay nila sa It's Showtime at sinabing masaya ang vibe nila sa set.
SAMANTALA, BALIKAN ANG ILANG SA MOST STYLISH LOOKS NG 'IT'S SHOWTIME' HOSTS SA GALLERY NA ITO: