
Bumisita ang It's Showtime hosts na sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan.
Sa pagsalang nina Jackie at Cianne sa naturang talk show, kabilang sa mga napag-usapan ay ang kanilang dynamics bilang magkaibigan.
“Ako naman po, tinitingala ko talaga si Ate Jackie. Kapag may gusto akong matutunan, siya 'yung una kong tinatanong. Siya 'yung ano, 'te, paano ba 'to? 'te tama ba 'to?' Ta's siya 'yung, 'Oo tama, go, tama.' Tapos siya 'yung nagpu-push talaga kasi ako may pagka-sobrang kinakabahan ako sa mga bagay-bagay,” ani Cianne.
Bukod dito, tinanong din ng King of Talk si Jackie kung kumusta ang maging manager si Vice Ganda.
Inamin ni Jackie na mayroong pressure ang ma-manage ng Unkabogable Star ngunit labis ang kanyang pasasalamat sa huli dahil sa pagiging nurturing at generous nito.
“Siyempre po may pressure, Tito Boy. Kasi si Ate Vice, perfectionist. Talagang sarado, kuwadrado, perfectionist. Pero sobrang grateful po ako kasi nurturing din si Ate, generous din siya sa knowledge. Kung ano alam niya, ishe-share niya. Talagang bibigyan ka rin niya ng advice, tips on paano ka mag-grow,” kwento ni Jackie.
Napapanood sina Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez sa noontime variety show na It's Showtime mula Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream
MAS KILALANIN PA SI JACKIE GONZAGA SA GALLERY NA ITO.