
Puno ng kulitan at tawanan ang noontime program na It's Showtime nitong Huwebes (July 11).
Sa patok na segment na "EXpecially For You," hindi mapigilan ang asaran nina Vice Ganda, Jhong Hilario, at Vhong Navarro sa kanilang kaibigan na si Jackie Gonzaga.
Matagal na kasi kinukulit nila si Jackie Gonzaga na sumali sa segment bilang searcher. Kaya mas lalong natuwa sila nang nakasama na nila si Ate Girl sa pag host ng segment.
Sa pag-spill pa lang ni Jackie sa umpisa ng programa, hindi napigilang asarin siya ng mga host dahil pansin daw ang kaniyang emosyon habang binabasa niya ang prompter.
"Hoy, parang may pinariringgan ka," biro ni Vhong.
"Wala po ito," sagot ni Jackie.
Binanat kaagad ito ni Vice habang hinihila si Jackie sa searcher seat.
"Here's our special guest for today, upo na," biro ni Vice habang hinihila si Jackie.
Sa umpisa, sumakay naman si Jackie sa kanilang biruan at umupo sa searcher spot. Ngunit bigla rin ito tumayo at tumanggi sa sinasabi nila Jhong.
Patuloy naman ang asaran ng mga host kay Jackie, hanggang sa hinila na ni Vice ang upuan sa kanilang kaibigan.
"Hoy! Hinahabol ka ng upuan!" tuwang sinabi ni Vice.
Sa kalagitnaan ng kanilang kulitan, biglang napasabi si Jackie kay Vhong, "Alam mo Kuya Vhong, hindi talaga maganda 'yung mga binubulong mo paminsan-minsan, eh. Dapat hindi ka bumubulong."
"Hoy mahiya ka sa guest natin. Galing pang LU (La Union) 'yun," banter naman ni Jhong, kaugnay sa dating balita ni Jackie sa lugar.
Habang nagtatawanan ang lahat, pinakilala kaagad ni Jackie ang totoong guest ng segment. Pero ang asaran ay hindi doon natatapos, dahil biglang nagkaroon ng ideya ang Unkabogable Star.
"Parang nagka-idea ako. Sana may isang episode ganoon ,noh? 'Yung i-uupo natin hindi alam na siya 'yung i-uupo. 'Yung ilalagay lang upuan sa likod niya, tapos i-gaganu'n (papa-upuin) siya bigla.Tapos live, kaya wala siya magagawa," sabi ni Vice.
Pero mas lalong tumawa ang lahat nang sumagot si Jackie, "Alam mo maganda iyan. Sana nandito si Ate Kim (Chiu)."
Subaybayan ang It's Showtime, Lunes hanggang Sabado,12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.