GMA Logo Jackie Gonzaga
PHOTO COURTESY: Dianne Mariano (GMANetwork.com)
What's Hot

Jackie Gonzaga shares her favorite Christmas tradition

By Dianne Mariano
Published December 10, 2025 12:57 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ilang bahay, nawasak at tinangay ng rumaragasang baha dulot ng thunderstorm
GMA Network Recognized with ECODEB Model Business Organization Award
Laborer hacked to death in Davao Occidental

Article Inside Page


Showbiz News

Jackie Gonzaga


Ano kaya ang paboritong Christmas tradition ng 'It's Showtime' host na si Jackie Gonzaga?

Ibinahagi ng It's Showtime host na si Jackie Gonzaga ang kanyang paboritong tradisyon tuwing Pasko.

Sa panayam ng GMANetwork.com kay Jackie, sinabi ng host na ang favorite Christmas tradition niya ay ang pagsalu-salo kasama ang kanyang pamilya.

"'Yung hihintayin n'yo mag-alas dose ng 25 tapos sabay-sabay kaming kakain sa bahay, 'yung gano'ng simpleng salu-salo, sobrang saya ko na no'n.

"Sobrang saya no'n, sobrang laking parte sa puso ko at laking bagay sa akin 'yung gano'n," pagbabahagi niya.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ng It's Showtime ang kanilang 16th anniversary sa pamamagitan ng week-long "MagPASKOsikat." Ayon kay Jackie, ramdam na ramdam ang pagmamahal at selebrasyon ngayong 16 years na ang noontime variety show.

"Sobrang sarap po sa puso na 16 years na nagpapasaya ang It's Showtime. At ngayong ika-16th year po kasama ang mga Kapuso natin at buong Madlang People, talagang nararamdaman natin 'yung love, warmth, and 'yung celebration talaga," aniya.

Para kay Jackie, tumatak sa kanya ang pagse-celebrate ng anniversary ng It's Showtime, lalo na ang nangyari sa "Laro, Laro, Pick" segment noong December 4, kung saan sinabi ni Vice Ganda na nag-usap silang mga host para mag-ambagan ng PhP 1 million na ipamimigay sa players.

Matatandaan na ang mga naglaro sa naturang segment noong December 4 ay mga kababayan nating naapektuhan ng kalamidad mula sa Cebu at Negros Occidental.

Kwento ni Jackie, "Feeling ko 'yun talaga 'yung bumaon sa puso ko na talagang pag naisip ko 'yung anniversary, more than the grand, 'yung makatulong sa Madlang People, and makapagpasaya ng mga tao, parang 'yun talaga 'yung pinaka-[tumatak]."

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.

RELATED GALLERY: Meet Jackie Gonzaga, the certified hot babe of 'It's Showtime'