What's Hot

Jackie Lou Blanco, enjoy sa pagiging lola

By Dianara Alegre
Published September 3, 2020 6:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - PBBM at the inauguration of the Mahayag Dam project and turnover of solar-powered pump irrigation projects (Feb. 12, 2026) | GMA Integrated News
3 barangay sa Iligan City na nasalanta ng Bagyong Basyang, hinatiran ng food packs ng GMA Kapuso Foundation
Iloilo City's P300M additional loan questioned

Article Inside Page


Showbiz News

jackie lou blanco


Itinuon ni Jackie Lou Blanco ang kanyang atensyon sa pag-aalaga sa kanyang pamilya at apo sa nakalipas na ilang buwang community quarantine.

Dahil sa community quarantine, nasulit ng batikang aktres na si Jackie Lou Blanco ang panahon para makasama ang kanyang mga anak at apo na si Jacqui Dabao.

Si Jacqui ay anak ng panganay niyang si Kenneth.

Source: jackielou.blanco (IG)

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ng aktres na labis ang sayang naidudulot ni Jacqui sa kanya.

“Iniisip ko parang anak ko na rin siya. It's just that wala ako masyadong responsibility kasi lola na lang ako.

“Pero parang ganun din. Hahabulin mo, tuturuan mo ng kung ano, babasahan mo ng libro, things I used to do to my own children,” aniya.

Bukod sa pag-aalaga sa kanyang apo ay may iba pang pinagkaabalahan si Jackie Lou gaya ng paggawa ng mga solar lamp na ido-donate niya sa komunidad na wala pang kuryente.

“Ang hirap pala. Hindi siya madali. Although mayroon siyang directions, ang nipis nu'ng mga wire,” anang aktres.

Samantala, dahil ilang buwan nang tigil ang trabaho ay nami-miss na umano niya ang pag-arte.

Dahil dito, nagpaplano siyang magbukas ng online acting workshop upang mabalikan ang hilig.

Bukod dito, isa pa sa mga quarantine project ni Jackie Lou ang Push-Up Challenge na ginagawa pa rin niya hanggang sa kasalukuyan.

“Mayroon din akong isang challenge na in-accept din. Twenty-five push-ups a day. Basta makabuo ka ng 625 push-ups,” lahad niya.

Day 18! Modified Archer Push-Ups. Today I nominate @rayvercruz

A post shared by Jackie Lou Blanco 👩🏃🎶👭🚶 (@jackielou.blanco) on