GMA Logo ricky davao and jackie lou
Photo: jackielou.blanco / IG
What's on TV

Jackie Lou Blanco on working with ex-husband Ricky Davao in 'AlterNate': 'One of the beautiful decisions I've made'

By Jansen Ramos
Published January 26, 2022 6:50 PM PHT
Updated January 26, 2022 8:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 pulis, patay; 2 iba pa, sugatan sa engkuwentro laban sa armadong grupo sa Candelaria, Quezon
Ashley Rivera sizzles as the 2026 calendar girl of a local whisky brand
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

ricky davao and jackie lou


After 16 years, muling napapanood ang dating mag-asawa na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao sa telebisyon.

Suportado ng mga anak ng dating mag-asawa na sina Jackie Lou Blanco at Ricky Davao ang pinagsasamahan nilang TV project na I Can See You: AlterNate.

Ito ang reunion project ng dalawa matapos ang GMA series na Captain Barbell na ipinalabas 16 years na ang nakalilipas.

Ayon kay Jackie sa live bloggers' conference na Kapuso Kwentuhan noong January 5, malugod niyang tinanggap ang I Can See You: AlterNate kung saan gumaganap silang mag-asawa ni Ricky. Sila ang adoptive parents ng karakter ng bida na si Dingdong Dantes.

A post shared by Jackie Lou Blanco 💜 (@jackielou.blanco)

Bahagi ni Jackie Lou, "I guess you got to a certain age na parang let's try to be happy.

"Sabi ko it was part of God's plan na maluwag sa dibdib kong tinanggap and I asked my kids, 'do you think your dad gonna say yes?' and they said, 'actually mom he said yes na,' so sabi ko so okay na."

Maganda raw ang naging epekto ng muli nilang pagsasama ng dating mister sa small screen.

Patuloy ng aktres, "In-expect ko lang na magkaroon ng a bit of awkwardness in the beginning pero, aside from that, my other expectation would just be so nice to work with him again and just to be with him again.

"At the end of the day, tatay siya ng mga anak ko and I'm very happy that we were able to do this.

"At least, after this, alam kong I can work with him again and I know it will be okay or maybe he will be able to direct me again and it will be okay."

Si Jackie Lou ay part ng cast ng 2015 GMA primetime series na Because of You na idinerehe ni Ricky kasama si Mark Reyes. Pinagbidahan ito nina Carla Abellana, Rafael Rosell, at Gabby Concepcion.

Dagdag pa ni Jackie, ang pagpapanatili ng maganda nilang relasyon ni Ricky ang pinanghahawakan niya na tama ang kanyang desisyon na gawin ang I Can See You: AlterNate.

"You know, time is short. We should be just happy and just do what we need to do.

"And I'm happy that my kids are happy so how can it be a wrong decision? It has been one of the beautiful decisions that we've made last year."

Sa pahayag naman ni Ricky, naniniwala siyang masusundan pa ang kanilang tambalan ng ex-wife sa kabila ng kanilang hiwalayan.

"Masarap naman katrabaho si Jackie, magaling na artista at talaga ang na-excite dito are our kids, hindi na sila bata.

"Sila 'yung tanong nang tanong. Minsan nga nakakaistorbo na 'yung tanong nila, sunod-sunod, paulit-ulit pero it's a wonderful experience.

"Tama na we work again. Ang dami naming proyekto na pwedeng pagsamahan kasi matagal na 'yung last project namin as actors, Captain Barbell pa ata 'yon which is 2005, so matagal na talaga so this is a welcome thing."

Mapapanood ang I Can See You: AlterNate mula Lunes hanggang Biyernes, 8:50 p.m. sa GMA.

Maaari rin itong mapanood sa GMANetwork.com o GMA Network app.

Narito ang kumpletong listahan ng cast members at ang mga karakter na kanilang ginagampanan sa GMA Telebabad series: